Chapter 35 : Bidding Time
Sa isang malawak na entablado makikita ang isang pigura ng tao na naglalakad .Ang taong ito ay siyang nautusang mag representa at magsubasta ng mga item.Ang kaniyang awrang inilalabas ay hindi matukoy ng ibang naroroon kahit ang mga nasa ikalawang palapag ay hindi nila matukoy kung anung antas ang mayroon ang taga anunsiyo.Basta ang alam lang nila ay wag na wag nilang gagalitin o banggain man lang ang taong ito .Pero ang masasabi ng lahat ang pagkakakilanlan ng host ay babae base narin sa kung paano ito maglakad.
Nang tuluyan ng makarating sa harap ang host bigla na lamang nag ingay ang mga naroroon kasabay nito ang pagkawala ng awrang inilalabas.Masasabing ang host ay may taglay na kagandahan at alindog na siyang nagpapaingay sa mga tao .Bukod pa dito ang siyang nagpapaingay talaga sa manonood ay ang suot suot niyang maiksing palda .At ang damit niyang maikli na abot lamang hanggang sa may tiyan.Ang kaniyang mahabang buhok na kulay itim ay nakalugay .Sa suot niyang ito makikita ang pagkakahubog talaga ng kaniyang pangangatawan na talaga namang gustong mahawakan ng mga kalalakihang naroroon.
Bago pa magsimula ang pagsasalita ng taga anunsiyo ay iginala niya muna ang kaniyang paningin sa buong hall.Marami siyang nakitang mga bigateng tao sa ikalawang palapag samantala sa ikatlong palapag o VIP ay may nakita siyang mangilan ngilan .Sa tantiya niya mabibilang lamang sa apat hanggang Lima ang naroroon.Sa harap naman nakita niyang halos mapuno na ang mga upuan sa dami ng naroroon.
Masasabi niyang isa itong malaking swerte para sa kanilang hall.Kasi sa loob ng tatlong taon niyang pagtratrabaho ngayon lamang siya nagkaroon ng maraming panauhin .Bukod dito may iilan VIP o mas tawaging special na panauhin ang kanilang hall ngayong araw.Kaya naman hindi niya mapigilan ang kaniyang sarili na mapangiti at the same time masabik sa pagsasalita sa maraming tao.
Umabante ang host at nagsimulang magwika
"Magandang Araw sa inyong lahat .Ako nga pala si Luna Veska ang host sa Araw na ito", umalingaw ngaw ang kaniyang mala anghel na boses sa loob ng hall.
Rinig na rinig ng lahat ang kanyang magandang boses.Kayat nagsimula na namang maghiyawan at magsigawan ang karamihan sa mga naroroon.
"Luna Veska kay gandang pangalan kasing ganda ng kanyang mala anghel na boses"sigaw ng lalaki sa bandang unahan ng entablado.
"Sa lahat ng binibini na aking nakita siya lamang ang nabubukod tanging nakakakuha ng aking paghanga",sambit ng lalaking kayumanggi ang buhok .
"Miss Luna ilan taon na po ba kayo?"tanong ng lalaking walang buhok .
"May Asawa na po ba kayo binibini?Kung wala pa maaaring ako nalang ang iyong asawahin kung iyong mamarapatin",diretsang sigaw ng katabi ng lalaking walang buhok.
Nang marinig ng karamihan ang sigaw ng lalaki .Napabaling sa kanya ang atensyon ng nakararami at bigla na lamang sumama ang atmospera ng mga nandoon.Nagkaroon ng tension sa pagitan ng lalaking sumigaw at ang ibang mayroong interes kay binibining Luna.
May iilang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa lalaki,may iilang natawa sa sinabi ng lalaki at may iilang din ang nagulat sa kanilang narinig.
"Hangal siya para sagutin ni binibining luna.Ang tulad niyang mahina at mababa ang antas ng level sa cultivation tiyak na hindi siya magugustuhan ng binibini isama pat ang kaniyang mukha ay mahahalintulad sa mukha ng unggoy.",sa isip isip ng iba.
BINABASA MO ANG
Ang magiting na Adventurer[Vol 1: The Secret]
AventureSi Ean Wo ay nagmula sa mahirap na angkan.Lagi silang inaalupusta dahil sa pagiging mahirap nila.Hinahamak sila nang mga nakatataas sa kanila .Pinapahirapan ang kanilang angkan ,pinamumuka nang mga nakatataas na isa lamang basura ang mga ordinaryong...