Abandoned Classroom
" You looks like timang in what you do."
Sinamaan ko ng tingin si Nathan, dahil sa sinabi niya. Tsk. Hindi ako timang!
" At least gumagawa ako ng paraan para mabuksan ang letseng pinto na 'to! Tapos ikaw? Pa-easy-easy ka lang, na nakaupo diyan." may inis pa ring sabi ko.
Malaman-laman ko lang talaga kung sino ang may kagagawan nang pagsara ng pinto dito, makakatikim sa 'kin!!
" I said be patient, right?! " may inis sa tonong ani Nathan.
Sinamaan ko 'to ng tingin.
" Bobo ka ba?! Anong connect ng pagiging matiyaga sa mga ginagawa ko? "
Ibinaling na niya ang masasamang tingin ng kanyang mga mata sa akin.
" You don't really know how to wait! " aniya.
" Tsk." sabay irap.
Sinunod ko nalang ang sinabi nitong kasama ko rito sa classroom. Nakaupo ako rito sa inu-upuan ko kanina, naghihintay ng himala na darating.
Ilang oras na ang nagdaan ay wala pa ding himala na bubukas sa pinto.
" Patient ba kamo? E, ilang oras na tayo dine, pero wala pa ding nangyayari!! " galit na may kalakasan kong sabi kay Nathan.
Walang kahit anong ekspresyon sa mukha nito nang tumingin sa 'kin.
" Napakasamok ng bunganga mo." aniya, sa seryosong tono ng boses.
T*ngina! Sa hindi magsasamok, kanina pa kami naka-stuck sa abandonadong silid na ito!!
" May cellphone kang dala? " tanong ko dito.
" Bag. Naiwan ko sa bag." simpleng sagot nito, walang kahit anong pangamba sa itsura.Kumunot bigla ang noo ko dahil sa naisip.
" Sigurado talaga akong may kinalaman ka rito." aniko.
Kita ko sa mukha niya ang pagtataka. " Do you think I will do that?! I really don't want to be with you, then I will do what you accuse me of..... You're funny." sarkastiko nitong sabi.
I sighed. What if he had nothing to do with it?
" Anong oras na sa relo mo? " muli kong tanong sa kasama ko rito sa silid.
" 2:36 pm."
2:36 pa naman pala-wait....what?!
" Kita mo 'yan! Limang oras na mahigit tayong nandine." aniko. " Nahiya ka pa! Tsk. Baka gusto mong dine nalang din tayo magpagabi!! "
" P'wede rin." nakangising sagot nito sa 'kin.
Yung utak ko, takte!
" A-Akala ko ba ayaw mo akong makasama? E, bakit parang ayos lang sa iyo na p'wedeng magpagabi rito? "
" I have no choice." sagot nito.
May punto s'ya. Wala ngang p'wedeng pagpilian, kung sakaling abutin kami ng gabi sa silid na ito...
" Tsk. Dapat hindi nalang ako umalis sa court! " mahina 't inis kong sabi.
" Nangyari na." ani Nathan, na ikinakunot ko.
" Nangyari na ano? "" Nangyari nang na-stuck tayo dine sa classroom. Wala kang magagawa...... It's has already happened." seryosong nakatingin na sagot nito.
P'wede namang yung una nalang niyang sinabi ang dapat na i-explain n'ya. Tsk.
BINABASA MO ANG
Wonderful Nightmare [SOON]
Science FictionKilalanin si Lhy Anne Rocafor 18 na taong gulang. Isang babaeng masama ang ugali, may limit ang pag-galang sa mga taong nasa paligid n'ya, ibu-bully ang gustong bully-hin at higit sa lahat makasarili. Madaming nagsasabi, na hindi na p'wedeng magbag...