Who Is That Woman?
" Ganda ng laro mo, Allarey." puri nung couch ata nina Ashton sa kanya.
Nandito kami malapit sa p'westo ng mga ka-team nitong si Ashton.
" Matagal na bang player 'yang si Ashton? "
" Since junior high, player na siya dito sa school." sagot ni Chloe sa tanong ko.
Matagal na nga.
" Malapit na silang matapos mag-practice." ani Apollo.
" Mukhang serious na serious ang face ni Ashton, ah." si Sky, kaya napabaling kami sa kanya.
" Nagpapakitang gilas lang 'yang manok ko. Alam n'yo naman kapag may inspirasyon, iba na." tuwang-tuwa na sabi ni Apollo.
" Yeah, gano'n talaga. Look at you, sobrang saya mo sa 'yong inspirasyon." si Sky.
" I do not remember that I already had inspiration." usal ni Apollo.
Magtatalo na naman 'to for sure.
" Baka mauwi sa asaran 'yan, huh? " saway ni Chloe. " Hindi ka pa nasanay." sagot sa kanya ni Sean.
" Alam n'yo kasi, I'm the inspiration nitong si Apollo." nakangising sabi ni Sky.
Bahala silang magtalo.
" Kulang lang 'yan sa tulog, Sky." umiiling-iling na sabi ni Apollo.
" My tulog is complete, duh." mataray na sagot nito.
Hindi ko nalang naman sila pinansin. Tinuon ko na lamang ang paningin sa mga naglalaro.
" Natagalan ako, sorry." anang boses ni Ashton. Sa mga naglalaro ng volleyball ko pa din itinuon ang paningin ko.
" It's ayos lang. Why Nathan is wala pa? " takteng pagka-conyo 'yan. Tsk tsk.
" Hindi ko din knows— the fvck! Nahahawa ako sa kaartehan mong magsalita." sagot ni Apollo kay Sky. Irap lang naman ang ginawa nitong si Sky.
" Tsk. Puro nalang kayo away! Nakakarindi ang boses n'yong dalawa." may inis kong sabi, kaya agad na tinakluban nitong si Apollo ang kanyang bibig gamit ang kamay. Samantalang si Sky ay pag-irap lang ang ginawa.
" Ash, pwede ka sa miyerkules? " hinarap ko si Ashton, ngunit wala manlang akong nakikita sa kanyang excitement o ano, dahil sa pagkaseryoso ng mukha nito. " May pupuntahan ako." malamig na tonong sagot niya.
" You're serious now, dude." singit ni Sean.
Umiling lang naman itong si Ashton. " Masama lang siguro pakiramdam ko." usal nito.
" Go home na, if you feel masama." may pag-aalalang sabi ni Sky. Inilingan lang din siya ni Ashton.
Humarap naman ako kay Sky nang mayroong maalala. " Sky, ngayon na."
Kumunot ang noo nito na para bang iniisip kung ano yung sinasabi ko.
" Mag-uusap tayo, diba? " dagdag ko, na naintindihan na n'ya. " Oh my! Oo nga, 'no? Let's go. Mag-usap tayo in the cafeteria." aniya.
Nagpaalam muna kami kina Chloe, na mag-uusap sa cafeteria habang wala pa yung hinihintay namin.
Tahimik lang kami ni Sky na naglalakad papunta sa direksyon kung saan naroon ang cafeteria.
Well, yeah. Nasanay na rin ako sa tawag na cafeteria kumpara sa canteen.
Ilang minuto lang din ay nandito na kami. Agad kaming pum-westo sa table na malapit sa counter.
BINABASA MO ANG
Wonderful Nightmare [SOON]
FantascienzaKilalanin si Lhy Anne Rocafor 18 na taong gulang. Isang babaeng masama ang ugali, may limit ang pag-galang sa mga taong nasa paligid n'ya, ibu-bully ang gustong bully-hin at higit sa lahat makasarili. Madaming nagsasabi, na hindi na p'wedeng magbag...