Sepak Takraw
" Why does Lhy seem so quiet? "
Bumaling ako kay Sky nang tanungin niya 'yon sa mga kaibigan n'ya.
Nandito kami sa Canteen— Cafeteria pala, nag l-lunch kami rito.
Bumaling naman ang tuon ko sa kumulbit sa 'kin. It's Ashton. " Bakit? "
" Bakit nga ang tahimik mo? " tanong niya sa 'kin. Umiling ako. " Wala namang bago." sagot sa kanya. Tumango lang naman 'to bilang pagtugon.
" N-Nakita k-ko."
Napunta naman ang atensyon naming lahat nang magsalita itong si Apollo habang may pagkain pa sa bunganga.
" No'ng isang araw..." pagbitin niya.
" Ay? " tanong nila maliban sa 'min ni Nathan.
Masama pa rin talaga ang loob ko na may pang-hihinayang. Yung first kiss ko!
" No'ng isang araw, nakita ko si Lhy at Nathan..."
Takte! May ideya na agad ako sa pinapahiwatig nitong sabihin!
" Then? "
" Tapos? "
" You're so pabitin, duh."
Iba-ibang tanong at komento nila.
" 'Wag kayong magagalit, huh? Walang lihiman hindi ba? " tanong nito kaya tumango-tango itong sina Sky. " Not in gossip... Kasi... Nakita kong magkahalikan silang dal-- "
" Tangina! Subukan mong magkamaling sabihin
'yan, makakatikim ka sa 'kin." pagputol ko sa sanang sasabihin nitong si Apollo, kaya bumaling lahat ang tingin nila sa akin, maliban pa din dito kay Nathan." S-Silang dalawa ay nakauwi na.... tama, oo. Nakita ko silang dalawa na nakauwi na."
" Akala naman namin kung ano na, Apollo." mahinhin na komento ni Chloe.
" You're so chismoso talaga." maarteng sabi ni Sky sa kaharap n'ya.
Hindi ko naman na pa pinansin ang sinasabi nila, bagkus ay nagsimula nalang akong kumain.
Habang nginunguya ang aking kinakain ay parang may tumayo dahil sa pagkakakibo ng mga gamit dito sa lamesa.
Bumaling kami kung sino iyon. Sino pa nga ba? Si Nathan.
" Saan ka? " tanong nitong si Ashton. " Restroom."
sagot sa kanya ni Nathan habang sa 'kin nakatingin ng masama. Epal!Naglakad na ang lalaking yun sa direksyon ng cr.
" Sana all kiss."
Napalingon ako sa likod ko dahil sa narinig na 'yon. " Tsk tsk. Umayos ka Apollo! " may pagbabantang sabi ko, dahil siya pala itong nagsabi nun.
" Guys, hindi pa din ba pumapasok si Lindsy? " tanong ni Sky. Lindsy?
" Suspended s'ya ng one week." sagot naman nitong si Sean.
" Buti nga. Hindi kaya sila bagay ni Nathan. Obsessed ata ang girl na yun." iritang komento ni Sky.
" Sinong Lindsy? " takang tanong ko.
Nagsi-tinginan naman muna sila bago muling bumaling ang tingin sa 'kin.
" Yun yung babaeng may gusto kay Nathan." si Chloe ang sumagot sa aking tanong. " Hmm? Anong mayroon sa kanya? " taka pa ding tanong ko.
BINABASA MO ANG
Wonderful Nightmare [SOON]
Ciencia FicciónKilalanin si Lhy Anne Rocafor 18 na taong gulang. Isang babaeng masama ang ugali, may limit ang pag-galang sa mga taong nasa paligid n'ya, ibu-bully ang gustong bully-hin at higit sa lahat makasarili. Madaming nagsasabi, na hindi na p'wedeng magbag...