Chapter 6

31 0 0
                                    

Pier

" Lhy Anne Rocafor, go to my office! " anang boses ng matanda, kaya humarap ako sa pinanggalingan nun.

Matandang Lalaki?

" Luh si Dean."

" Imisin ninyo yung ibang kalat."

" Ayusin ninyo yung mga upuan."

Bulungan ng iba habang nag-aayos.

" I said, go to my office! " pag-uulit nung matanda na masama ang tingin sa 'kin.
" Sumama ka, Garcia." dugtong nito. Kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod sa matanda papuntang office nito.

Habang naglalakad ay pasimple akong tumatawa dahil sa lakad nitong si Nathan. Paika-ika HAHAHAHAHA buti nga.

" Are you okay, Nathan? " biglang tanong nung matanda habang sa daan nakatuon ang atensyon. " I-I'm ok-- arghh! " daing nitong si Nathan. Masakit na agad iyon? Mahinang tadyak lang naman ang ginawa ko. Bakla.

" Pagkatapos mag-usap sa office, pumunta ka agad sa clinic." may pag-aalalang sabi nung matanda sa kanya. Tango lang ang isinagot niya habang hindi maipinta ang kanyang mukha.

Ilang sandali lang naman ay nakarating na kami dito sa office na tinutukoy nitong matanda. Nagpauna itong pumasok. Sumunod lang naman ako na kasunod sa likod si Nathan.

" Maupo kayo.. Bernie, patawag si Ms. Garcia at Mr. Montes. Sabihin mo ay pumunta rito sa office ko 't kakausapin lang sila." sabi nito sa amin at saka inutusan 'yong lalaking sa tingin ko ay maedad na rin.

Nang maka-alis na yung lalaki ay agad na bumaling ang tingin nitong matanda sa 'min.

" Lhy Anne Rocafor, hmm...your name is familiar." sabi nitong matanda. Nangunot naman ang noo ko. " What do you mean? " takang tanong ko rito. Tiningnan n'ya naman muna ako. " Yung anak nina Alejandro at Lhyndaneth Rocafor.. Same name, same face."
sagot niya sa 'kin.

Kung alam ninyo lang. Ako talaga ang tinutukoy n'yo, hindi lang talaga kapani-paniwala.

" Ah. Okay." maikling tugon ko dito. Bumaling naman ang tingin n'ya Jay Nathan, na hanggang ngayon ay dinadaing pa din ang sakit ng kanyang pagkalalaki. " What happened? " tanong nitong matanda sa kanya, humarap naman sa 'min itong si Nathan.

" Baliw na s-siya, Dean." sagot naman nito sa tanong nung matanda. Bumaling naman sa akin ang tingin nitong Dean. Napahalukipkiplang naman ako dahil sa na b-bored na ako. " Ano ba ang ginawa sa 'yo? "

" Tinadyakan niya ang pagkalalaki ko." hindi na hirapang sagot ni Nathan. Ang dami pang tanong. Tsk.

" Ms. Roc-- "

" Good morning, Dean." pagputol nila sa sasabihin ni Dean.

" Good morning. Maupo kayo." si Dean.

" Nathan, Rocafor. Anong ginagawa ninyo
dito? " agad na tanong ng adviser namin nang mapansing nandito kami.

" Bakit n'yo po kami pinatawag, Dean? "tanong ni  Sir. Montes.

" About dito kay Rocafor." usap nitong si Dean at saka pinagsalikop ang kanyang dalawang kamay. Agad na tumingin sa 'kin si Ma'am at Sir. " Ano pong mayroon sa kanya? " tanong ni Ma'am Rhea.

" Ehem.. Papa-guidance raw itong si Rocafor ni Mr. Montes.. Pumunta ako sa classroom ng RMG at nahuling may parang nagkakagulo.. Iyon pala ay tinadyakan sa putotoy nitong si Rocafor ang pamangkin mo Ms. Garcia."
pagsimula ni Dean. " Tapos winalang-galang niya itong si Mr. Montes." dagdag nito. Kita ko ang gulat sa mukha ni Ma'am Rhea.

Wonderful Nightmare [SOON] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon