Canteen
" Nathan, I-tour mo nalang si Lhy sa school ninyo."
" Marunong naman siguro s'yang magbasa. Kaya na n'ya iyon." sagot ni Nathan sa kanyang mom. Patuloy lang naman ako sa pag-ayos ng mga gamit sa bag ko at saka bumaling sa kanila. " Mom ni Nathan, hindi ko na kailangan ng tour guy doon."
" HAHAHA too long, just call me Tita Nathalie, ija." pagtama nito sa pangalan n'ya. Tumango lang naman ako.
" Let's go." akit ni Nathan, kaya nag simula na akong maglakad at nang makarating sa may pinto, napahinto ako nang may maalala.
Cellphone.
" Hmm.. Tita Nathalie, mayroon ba 'kong cellphone? " agad na tanong ko nang maalala iyon. Ngumiti naman s'ya sa akin.
" You want cellphone? "
" Oo sana, nawala kasi ang phone ko." sagot ko nalang dito. " Later. But on one condition."
" Anong kondisyon? "
" Sa tuwing aalis o may pupuntahan ka, you need to kiss me on the cheek." nakangiting sagot nito na aking ikinakunot ng noo.
" Seriously, mom? " agad na react ng anak n'ya. " Why? Gusto mo rin? " pang-aasar ni Tita Nathalie sa kanyang anak na aking ikinatawa.
" I think he was jealous." nakangising usal ko na ikinainis naman ni Nathan. Yan, mainis ka lang.
" I'm not. My point is...wag mo siyang ituring na parang anak, mom." protesta niya at saka nag paunang lumabas. Muli ko namang hinarap si Tita Nathalie. " Okay. Deal." pag sang-ayon ko dito saka tumango at nagsimula nang maglakad.
Nang makarating sa labas, expected kong nando'n pa din si Nathan. Ngunit sa kasamaang palad ay wala na. Masumbong nga 'yon sa mom niya. Tsk!
Kaysa mainis, mas minabuti ko nalang na magsimulang maglakad. Sa parochial pa din naman, kaya malapit lang.
Madami akong nakakasalubong na naka-uniform ng katulad sa akin.
Ano na kayang itsura ng paaralan na 'yon?
Mga limang minuto lang din naman ay nakarating na ako sa tapat ng gate. Agad akong pumasok at namangha nang makita ang itsura nito.
Ang ganda.
Sobrang lawak na.
Hanggang 5th floor.
Madami na ang classroom...
" Wow! " manghang usal ko nalang. Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan nito.
Hindi pa rin ako makapaniwalang sobrang ganda na ng school na ito, kumpara noon.
" Lhy Anne! " awtomatikong napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon.
'yong lalakeng pakialamero!
" Kailangan mo?! " sarkastikong tanong ko dito. Tipid na ngumiti naman s'ya at saka inilahad niya ang kanyang kamay. " Ashton Allarey." pakilala n'ya sa akin. Tinaasan ko naman s'ya ng kanang kilay ko. " I'm not interested." sabi ko sa kanya at nag simula na ulit maglakad.
_
" Lhy Anne Rocafor, 18 years old. Nice meeting you all." walang emosyon na pakilala ko sa kanila.
" Maganda sya, pre."
" The uniform doesn't suit her, sis."
" No. Bagay naman sa kanya, para nga lang siyang lesbian."
BINABASA MO ANG
Wonderful Nightmare [SOON]
Fiksi IlmiahKilalanin si Lhy Anne Rocafor 18 na taong gulang. Isang babaeng masama ang ugali, may limit ang pag-galang sa mga taong nasa paligid n'ya, ibu-bully ang gustong bully-hin at higit sa lahat makasarili. Madaming nagsasabi, na hindi na p'wedeng magbag...