Chapter 18

19 0 0
                                    

Nathan and Tita Nathalie

" H-Huh? " gulat na gulat kong reaksyon, nang may idugtong siya.

" Why? " he asked. " Bakit ka sa 'kin nakatingin habang sinasabi iyan? Huh? " tanong ko.

Umiling-iling siya habang nakangiti. " You look like my dad's ex.."

Porket kamukha? Gano'n?

" Nakita mo na ba picture nung Lhy Anne na sinasabi mo? " I asked. " Yeah. Pinakita sa 'kin ni dad. Picture n'ya, picture nilang dalawa." nakangiting sagot niya sa akin. " Sa picture na nakita ko, parang ang saya-saya nila ni dad, kaya hindi na ako magtatakang hindi niya makakalimutan si Lhy Anne.... Dad said, his ex was beautiful and kind, so maybe he was in love with Lhy Anne then." dagdag nito.

Naging kami talaga ni David?! Hindi ako makapaniwala.

" Nagtataka lang ako..... Bakit sa 'kin ka nakikipag-usap tungkol diyan? " kunot noong tanong ko dito.

He smiled at me. " Maybe because.... I'm interested on you? "

Interested? On me?

" So? " taas kilay kong pagtataray. Tumawa lang naman siya. " You're cool... Naalala ko na naman yung sagutan n'yo ni Nathan......sa classroom n'yo. HAHAHAHA laugh trip."

Nand'on s'ya?

" Pa'no mo naman nalaman 'yon? Kaklase ka ba
namin? " takang tanong ko sa kanya. Umiling s'ya, saka nagbuntonghininga.

" Nah. Ibang section ako."

" Pero kilala mo si Nathan? "

" Yeah. Who doesn't know him? Since 1st year high school, he is well known in our school." sagot niya sa tanong ko. Kilalang-kilala? " Paano? Ang ibig kong sabihin....bakit? Bakit kilalang-kilala? Bago pa lang naman kasi ako sa Parochial, kaya hindi ko alam."

Bumaling ng tingin sa 'kin si Louis. " Nga pala, bago ka pa lang. He's smart, isn't he? "

" Hmm....oo, matalino s'ya. Sobrang talino." sagot ko.

" That's why he is so well known, and beside....he is also handsome, right? " tumango lang ako sa tanong niya. " Dahil lang do'n? Kaya s'ya sikat? "

" Ilang beses na din niyang naipanalo ang school natin."

Genius, huh?

" Ah. Okay. P'wede na ba akong mauna? Malapit nang gumabi, oh." pagpapaalam ko. Ngumiti siya sa 'kin at saka tumango. Tumayo na ako. " Una na 'ko. Nice meeting you, Louis." may ngiti sa labing paalam ko.

" Hatid na kita. "

" Hindi na, kaya ko naman. May dadaanan din pala ako. Sige, bye." huling sabi ko, nagpauna nang maglakad.

Mabuti nalang talaga 't  naisipan kong pumunta dito sa Pier.

May panibago na naman akong nalaman. Hindi pa din talaga ako makapaniwalang si David at ako? Nagkaroon ng relasyon..

Sa pagkakaalam ko talaga at nangyari noon.....ay nawalan ng interes sa akin si David, dahil sa nangyaring insidente no'n.

Tapos malalaman ko lang ngayon, na nagkaroon kami ng relasyon? Nakakapagtaka talaga.

Gusto kong malaman, kung paano naging kami? Kung nand'yan at naging asawa ko si Ashkey?

Halos magsalubong na ang kilay ko, dahil sa kung ano-anong iniisip.

Wonderful Nightmare [SOON] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon