Chapter 17

21 0 0
                                    

Mang Ihawan

" Neng, tapos na ang misa. Ano pang ginagawa mo diyan? "

Bigla akong napatayo sa aking pagkakaupo dine sa simbahan.

Tapos na pala ang misa. Hindi ko namalayan..

" Pasensya na, manang. Sige, mauna na ho ako, salamat." paalam ko sa babaeng matanda. Ngumiti lang 'to sa akin.

Naglakad na ako paalis doon.

Mag-isa lang akong sumimba, ni-isa wala akong sinabihan.

I will not let you get sick...

Ilang araw na din ang lumipas, nang magpalipas kami ng gabi sa abandonadong silid sa school.

Ngayon ko lang napansin! Ang lawak na nung simbahan, kumpara sa simbahan na pinagsisimbahan namin noon..

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng pantalon ko, tiningnan ang oras. 5:07pm na...

Imbis na sa direksyon ng bahay nina Nathan ako dumiretso, sa direksyon papunta sa pier ako naglakad.

Maraming tao ang naglalakad, na nasisiguro kong galing rin sa simbahan. Yung iba naman ay nasisiguro kong galing sa supermarket.

Nakakita ako ng ihaw-ihaw.

Tindahan 'to nina Ate Marie, ah?

Agad akong nagtungo doon.

Nag-iba ang tindahan nila. Lumaki at lumawak.

" Kuya, hindi ba't tindahan ito nina Ate Marie? Ihawan nila 'to, diba? " agad na tanong ko sa lalaking nag-iihaw ng mga barbecue. May panyong nakatali sa noo nito nang humarap sa 'kin.

" Magandang hapon, Ma'am. Tindahan nga ho ito, dating mang ihawan." magalang na sagot nito sa 'kin.

Dating Mang Ihawan?

" Ibig sabihin ba....... Hindi na 'to Mang Ihawan ? " I asked.

" Yes po, Ma'am. Matagal na hong hindi Mang Ihawan ang pangalan ng tindahan dito. Hindi n'yo ba alam? "

Hindi na Mang Ihawan? Samantalang no'ng minsan lang kumain ako dito— 2040 na nga pala ngayon, no'ng nasa realidad pa siguro ako kumain dito.

" H-Hindi, e. Ano na palang pangalan ng tindahan na 'to, Kuya? " tanong ko ulit.

" Phoenix Lutong Ihawan, Ma'am."

Too long..

" Ah. E, ano palang pangalan mo? "

" Joseph, Ma'am." sagot nito, na aking pinanlakihan ng mata.

" Vince Joseph Macaraig? "

" Alam mo pala ang buong pangalan ko." ngising-ngisi na sagot nito.

Takte? Hindi nga? Si Joseph na 'to?

" Grabe! Joseph, hindi kita nakilala. Bakit ikaw na ang gumagawa ng mga ginagawa ng magulang mo— Sh*t.."

" Ah. Si Mommy 't Daddy ho ba? Ang totoo kasi n'yan.....patay na si Daddy. Si Mommy ay may sakit, kaya pinagpatuloy ko ang ginagawa nila, pinalitan ko nga lang ng pangalan." medyo malungkot nitong sabi habang naglalagay ng mga stick-stick na may lamang mga hotdog, barbecue, isaw, etc.

" Pasensya kung naitanong ko pa."

" Ayos lang, Ma'am. Bibili ho ba kayo? "

" Hmmm.... Oo, isusulat ko nalang sa papel yung bibilhin ko." sagot ko, kinuha yung papel at ballpen sa lamesa, tsaka nagsulat.

Wonderful Nightmare [SOON] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon