His Side
" Are you okay? "
" Oo, ayos lang." sagot ko sa tanong ni Louis.
Ilang minuto na din nang makaalis kami sa cafeteria. Hinila na ako paalis doon ni Louis kanina. Habang yung Lindsy ay wala nang nasalita sa iniakto ng kapatid o kakilala niyang si Louis.
Nandito nga pala kami sa classroom nila. Sinabi niya sa akin na sa garden kami pupunta, kapit-kapit n'ya kasi ang kamay ko. Iyon pala ay dito kami sa kanilang classroom pupunta. Wala na akong nagawa.
" Ano bang gagawin natin dito? " takang tanong ko kay Louis, na ang atensyon ay nasa paghahanap ng kung ano.
Bumaling siya sa akin, tinuro yung binti ko.
Sh*t! Nadaplak nga pala ako kanina. Yung suot ko sa pang-ibaba ay tukong, hanggang tuhod lang.
" May pasa sa ibaba ng tuhod mo. Hayaan mong gamutin ko 'yan." ani Louis, na nandine na pala sa harap ko.
Umupo ako sa tapat ng upuan na katapat ng kanya.
" Pasa lang naman ito, hindi dumudugo." usal ko.
" May laro ka bukas. Kailangang gumaling agad iyan. Let me." nakangiting sagot sa akin nito. Hinayaan ko nalang siyang gamutin.Dinadahan-dahan niya ang pagdampi ng bulak na mayroon atang ointment. Medyo masakit..
" Nga pala, Louis..." nang mayroon akong maalala kagabi. Bumaling muli siya sa akin, patuloy pa din ang pagdampi sa pasa. " Noong last year mo sa pagiging junior high school.....may nangyari bang hindi maganda? "
" W-What do you mean? " tanong niya, itinigil ang pagdampi sa pasa ko. " May gusto ka bang malaman? " tanong niya.
Napabuntonghininga ako. " Hmm.... H-Hindi sa chismosa ako. Gusto ko lang malaman." hindi ko alam kung bakit may kaba akong nararamdaman.
" 'Chismosa' pa din naman ang tawag sa gan'yan." may ngiting sabi ng lalaking katapat ko.
May punto siya! Pero hindi naman talaga ako chismosa. Minsan lang din naman ako magtanong..
" Sige. Ayos lang sa akin..." usal ko. Tumingin siya sa akin na mayroong pagtataka. " Na tawagin mo akong 'chismosa', basta magkuwento ka." dugtong ko.
Muli siyang ngumiti. " Maybe you didn't understand what I said.... Kahit na magkuwento ako sa 'yo, hindi kita tatawaging 'chismosa'." aniya.
Lumapit ako sa kanya, tumabi sa kanyang inuupuan.
" Sa inyo nina Nathan... Mayroon bang nangyari noon.....sa inyo? " panimula kong tanong. Nag-inhale at exhale muna siya bago muling bumaling sa akin." Pinagsisihan ko..." sabi nito. " Lahat ng mga kagaguhan kong nagawa noon, pinagsisihan ko. Nathan was furious with me. He was also angry with Amirah. I don't blame her for what happened, pero kasi ang sabi n'ya..... She has no boyfriend..."
" W-What? Naguguluhan ako, Louis." komento ko.
" Magulo talaga.... Fourth year high school ako nag-transfer sa school na 'to. Nakilala ko si Amirah sa isang restaurant. Kasama ko ang aking barkada. Kenneth introduced her to me, kaibigan kasi niya si Amirah. Well, she's beautiful, sexy, and kind.... Naging malapit kami sa isa't-isa magmula no'n. One day I asked her if she had a boyfriend--"
" Anong sabi n'ya? " putol ko.
Tumingin s'ya sa akin. " She said 'wala'. Kaya nagplano akong ligawan siya. Nagpatulong pa ako sa barkada ko, at saka sa kaibigan ni Amirah.... It's just funny to hear that we're already kissing even though she's not my girlfriend yet, walang kaalam-alam si Nathan. Ganoon din ako, walang kaalam-alam na mayroon na palang katipan ang nililigawan ko."
BINABASA MO ANG
Wonderful Nightmare [SOON]
Ciencia FicciónKilalanin si Lhy Anne Rocafor 18 na taong gulang. Isang babaeng masama ang ugali, may limit ang pag-galang sa mga taong nasa paligid n'ya, ibu-bully ang gustong bully-hin at higit sa lahat makasarili. Madaming nagsasabi, na hindi na p'wedeng magbag...