"Ma'am? Okay lang po kayo?"
Napatingin ako kay Engineer Tan na siyang nagtanong at ngayon ko lang din napansin na nakatingin na pala ang ibang kasama namin ngayon. Bigla kasi akong napakapit sa braso ni Engineer Tan at napahawak sa dibdib ko dahil naramdaman ko ang paninikip nito at nahirapan akong huminga.
Bigla rin akong nailang at bumitaw sa braso niya bago ko inayos ang suot kong top. Pilit akong ngumiti bago nagsalita.
"Yes, I'm fine. Sa init lang siguro." Pag-rarason ko pa at mukha naman siyang naniwala. Kanina pa kasi kami nagpaikot-ikot sa area ng resort at sobrang tirik ng araw kaya siguro ako nahirapang huminga.
At... anak ng! naalala ko palang hindi ako nakapag-lunch kanina kasi nakalimutan kong bumili ng pagkain ko. Kung kaya't nagpaalam na muna ako kanila Engineer. Akmang maglalakad sana ako pabalik sa tent pero mabunggo ako ng isang hayop na mukhang tao.
"Ano ba?!" Inis na tanong ko kasi hindi pa siya umaalis sa dadaanan ko.
"Where are you going?" Tanong ni Asher habang nakatingin saakin. In fairness ang tangkad niya talaga. Kahit matangkad ako, nagmumukha akong bata sa harap niya pero naiinis talaga ako kasi ang init at humaharangan pa siya. Masisira ang skin ko, my gosh!
"Mister architect, can you please step sideward because you're standing in my way!" I said at tinakpan ng konti ang mata ko kasi nasisilaw ako sa init habang pilit na binabale wala ang pintig ng puso ko na animo'y nasa isang car race sa bilis ng tibok nito.
"Are you okay? You look pale." Nag-aalalang sabi niya habang nakaturo sa mukha ko and I just hope he knew how much I hate seeing him like this. Like I saw my Asher but then, we both know that he wasn't like before.
He changed.
I changed.
"Padaanin mo na lang ako!" Mataray na sabi ko at bahagya siyang tinulak. Narinig ko naman siyang bumuntog hininga at sarkastikong ngumisi.
"Bakit ba ang sungit mo?"
"Kasi gutom na ako at gusto kong kumain!!! Kaya kung ayaw mong kainin kita, get out of my way!"
"Akala ko tapos ka ng kumain, ma'am?" Tumingin ako kay Engineer Tan na ngayon ay nakakunot ang noo at napakamot sa ulo niya bago naglakad pabalik sa site.
Napairap na lang ako at binalik ang tingin ko sa poste, este kay Asher na nakataas ang isang kilay habang nagcross-arms.
"Tabe----Asher!!!!"
"Architect Vargas, Miss Morrison. But I would prefer you, calling me Asher."
"I don't care!!! I can call you whatever I want! But first, answer me! Where the hell are you taking me?" Para akong malanding biik na nagsisisigaw dito habang hila-hila ni Asher ang braso ko patungo sa hindi ko alam.
"Hey! You asshole! Answer me!" Pangugulit ko pa sabay hampas sa braso niya and regret it after because maybe he worked out a lot. It's hard, muscles and biceps.
"We're going to eat! Can you keep quiet now?" Pikon na sabi niya. Aba! Ang liit ng pasensiya niya ngayon a! Ano yon? Sign of aging?
"I want to eat in a luxurious restaurant, Architect Asher Matteo Vargas! " Maarteng sabi ko pero ang totoo ayaw ko lang siyang kasabay! Baka may makakita saamin at makilala ako! Heck issue 'yon!
"Why? Do you think I couldn't treat you in some luxurious restaurant, Miss supermodel Anastasia Reign Morrison?" He argued.
"I can pay my own bills, Mister and I can also pay yours, though." Pang-aasar ko pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/247340209-288-k531103.jpg)
BINABASA MO ANG
The Beauty of Letting Go
Teen Fiction(UNDER REVISION) Anastasia Reign Morrison was a broken girl, carrying the burden of her past every single day. She keeps on questioning her worth, she keeps on finding people to appreciate her as a person, to treat her different from how her Dad tre...