Chapter 10

158 60 2
                                    

"Job well done. Congratulations everyone! Thank you and enjoy your Undas Break" Professor Lim said. Nandito kami ngayon sa office ng organization namin.

We already passed our works last week! At maganda ang kinalabasan ng mga pictures na nakuha namin lahat. Tomorrow will be November one.

"Sorry!" Sabi ng ka org mate ko na si Nicole nabunggo niya kasi ako habang papalabas kami.

"it's okay!" I said and gave her an assuring smile. Pagkalabas ko nakita ko kaagad si Asher na naghihintay sa 'kin sa labas ng office. He's wearing a simple dark blue shirt and white shorts, he partnered it with a pair of white shoes.

Ngumiti kaagad siya nang makita ako. Umayos siya ng tayo at naglakad palapit sa 'kin.

"Let's go?" He said pushing his hair back using his hand. And bitch! He's hot! As in! H.O.T!

AND WHEN I SAY HE'S HOT IT MEANS!
HE'S HOTTER THAN YOUR EX!

I shooked my head trying to stop the thoughts running inside my damn head! "Where are we going now?" I asked Asher while we are walking side by side.

Kumunot naman ang noo niya dahil sa tanong ko. Bakit saan ba kami dapat pumunta ngayon? "Hindi ba sinabi sa 'yo ni Shan na magkikita-kita tayo ngayon? We have something to talk in Dylan's place."

"Bakit kasama ako? Kayo lang siguro" sabi ko. Hindi naman ako belong sakanila. Sumama lang naman ako nong una kasi kabayaran sa talo ko.

Hindi nagsalita si Asher hanggang nakarating kami sa parking lot ng University. Hindi ko dala ang sasakyan ko kasi sinundo ako ni Asher kanina sa bahay.

Nagulat pa 'ko dahil may tumawag sa 'king hindi registered sa phone ko yung number sabing nasa labas raw siya. Nagmamadali tuloy ako, paglabas ko siya lang pala. Tinanong ko pa siya kanina kung saan niya nakuha number ko sabi niya lang na binigay ni Shan sakanya. Kapatid ko ba talaga 'yon?

Para akong naubusan ng hangin nang biglang nihawakan ni Asher ang beywang ko at hinarap sa kanya. Ang lapit niya... Sobrang lapit. Ilang dangkal lang ang layo ng mukha naming dalawa at isang maling galaw ko lang ay mahahalikan ko na siya.

Maging makasalanan ba 'ko kung hihilingin ko na sana itulak ako ng guardian angel ko ngayon? Chos!Mukhang magkakasakit ata ako sa puso nito e!

Umiwas ako ng tingin kasi na gi-guilty ako sa mga iniisip ko! But Asher being Asher held my chin and made me looked at him again. He looked at me in my eyes, his beautiful brown eyes are pierced with mine.

"I am courting you, Reign. If you do not know that and even if you won't say yes, I want you to be part of my everything. I know I'm being selfish if I asked you to be with me wherever I go but please let me give you the things you deserved." He whispered.

"You're useless!"

"You don't deserve a thing, Anastasia!"

May namumuong luha sa aking mga mata ng maalala ko ang mga sinabi ni daddy.

Hindi ko alam ngunit humaplos saaking puso ang mga katagang binitawan ni Asher. Simula noong nawala sila mommy wala na ako ibang inisip kundi ang katagang sinabi ni daddy, na hindi ko deserved kong ano ang buhay na mayroon ako ngayon.

Kita ko kung paano nag panicked ang mga mata ni Asher ngunit hinawakan niya ang aking mukha at pinalis ang mga luhang naguunahan sa pagtulo.

"Shhhh... it's okay" he said.

Hindi napigilan ang aking sarili na yumakap sa kanya. "Thank you" iyon lamang ang aking sinabi. Asher hugged me tighter and kissed the top of my head.

The Beauty of Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon