CHAPTER 1

26 0 0
                                    

Past Year.....

Bata palang ako ay namulat na ako sa tiwaling gawi ng gobyerno, kahit bata ako alam ko sa sarili ko kung ano ang mali at tama. Ang pamilya ko ang kasapi ng mga taong nagpoprotesta laban sa gobyerno at dahil bata pa ako nun hindi nila ako sinasama bagkus binibilin nila ako sa kapitbahay namin. Doon ko nakilala ang bestfriend ko na si Sirpa, actually pareho kami ng pananaw ni Sirpa kaya siguro we get easily along together.

"Anak doon ka muna ulit kay tita Soo mo ah? Maglaro kayo ni Sirpa" sabi ni inay sa akin.

"Bakit po? I guess pupunta na naman ulit kayo doon sa protesta?" sabi ko kay inay.

"Oo Reivy! Promise last na punta na talaga naming to sa mga protesta, pagkatapos nito pupunta na tayo ng states gaya ng napag-usapan nating magpamilya kagabi" Sabi ni inay then we hug each other.

"Sige nay mag ingat kayong lahat sa protesta!" sabi ko.

Makalipas ang sampung oras isang balita nag di ko inaasahan.

"Reivy, hali ka muna dito" sabi ni tita Soo

"Bakit po tita? Tugon ko naman sa kanya

"Reivy wag kang mabibigla sa sasabihin ko ah? Bakas sa tinig ni tita Soo ang pighati at sakit.

Tumango lang ako, sign na makikinig lang ako sa kanya.

"Reivy, namatay ang pamilya mo sa protesta kanina" sabi ni tita Soo habang humahagulhol sa pag iyak.

Tila ako'y nabingi sa aking narinig, tila di tinatatanggap ng utak ko ang kanyang sinabi, bakit nangyari yun? Paano na ang mga plano naming magpapamilya, kung tila magbabagong buhay na kami....... huli na pala ang lahat.

"Pero bakit tita?, that is their last protest at sabi ni inay pagkatapos ng protestang yun ay pupunta na kaming states para magsimula ulit! Pero bakit nangyari yun! Paano na ako tita Soo! Wala na akong pamilya!" sabi ko habang humahagolhol sa iyak.

"Wag kang mag alala Reivy, nandito naman kami ni Sirpa, hindi ka naming pababayaan" sabi ni tita Soo sakin habang yakap yakap niya kaming dalawa ni Sirpa.

The RescueWhere stories live. Discover now