After almost 17 hours na byahe sa airplane ay nakarating na ako sa France. Pero di ko in expect na sa aking pagdating dito ay dudumugin ako ng mga media.
"Comment allez-vous madame Reivy?" (How are you ma'am Reivy) bungad na tanong sa akin ng reporter
"Je vais bien, merci d'avoir demandé!" (I'm good, thank you for asking!) proud na sagot ko sa reporter at tila dahilan ng kanilang pagkamangha.
Well ganito kasi yan, dahil nga sa sikat na ako at nagpaplano ako na I franchise to the whole world ang business kaya ayun sinabi ko sa sarili ko nga kailangan ko mag aral ng lenggwahe ng mga bansa na pagtatayuan ko ng business, para gayun din naman ay di ako mapahiya. Matalino naman ako kaya madali akong natuto.
Pagkatapos ng eksena sa airport ay pumunta na ako sa hotel na tutuluyan ko at bukas ay pupuntahan ko na ang aking itatayo na restaurant. Pagkadating ko sa aking room ay dumiretso ako sa aking higaan dahil sa pagod na rin ng byahe ng biglang tumawag si Sirpa.
"Reivy? Nakadating ka na ng France? bungad ni Sirpa sa akin pagkatapos kong sagutin ang kanyang tawag.
"Oo! Ang haba ng byahe Sirps, tapos pagkadating ko pa sa airport bumungad pa sakin yung mga reporter!" pagmamaktul na sabi ko sa kanya.
"Oo nga Reivy! Ikaw kasi laman ng balita dito sa pinas eh!" sabi ni Sirpa sa akin na may halong sarkastiko.
Oo nga pala sikat nga pala ako AHHAHAHAHA.
"By the way Sirps asan si tita Soo?" tanong ko kay Sirpa
"Ayun natutulog na!, oh sya cge na Reivy magpahinga kana diyan, gabi nadin kasi dito" sagot naman ni Sirpa.
"Cge Sirps...... I LOVE YOU, Ingat kayo diyan" sabi ko kay Sirpa sabay end ng call.
Hayst matagal pa pala bago ako babalik ng Pinas pero bat ganun kakarating ko palang miss ko na agad sila Sirpa! Ang OA ko naman AHHAHAHAHHA. Kailangan ko nang matulog para makapag handa ako bukas.
Makalipas ang ilang minuto ay nakatulog din kaagad si Reivy, sa tagal ba naman ng byahe nya from Philippines to France eh ma-bubuyong ka talaga AHHAHAHAHA.
Lumipas ang mga araw ay naayos kaagad ni Reivy ang kanyang building restaurant matter at pwede na syang bumalik ng Pinas. Bago sya umuwi, bumili muna sya ng mga pasalubong para kay tita Soo at Sirpa. At dahil hindi sya makapili ng kanyag pasalubong ay binili niya lahat ng kanyang makikita na maganda sa France.
"Okay na siguro to para kila tita Soo at Sirpa" sabi ni Reivy habang pinagmamasdan ang sandamakmak na pasalubong niya kila tita Soo at Reivy at dumiretso na sya ng airport.
YOU ARE READING
The Rescue
Mystery / ThrillerSirpa whom a member of protest group gone missing after the chaotic smoke event happened that kills thousands of people protesting and Reivy who will do anything just to find and rescue her only treasure and bestfriend. Will she succeed or will she...