Habang nilalakad ni Reivy ang mausok na daan para hanapin si Sirpa ay napatingin ito sa relong kanyang soot.
"Shit may sampung minuto nalang ako para sootin itong mask" sabi ni Reivy habang nakatingin sa kanyang relo.
"Sirpa! Asan ka!"
"Sirps!"
"Sirps, tangina naman asan ka"
"Tangina Sirpa asanka! Hindi kapa pwedeng mamatay, hindi pa natin nakikita ang mga idolo nating blackpink!" sigaw na sabi ni Reivy na parang nawawalan na ng pag asa. Tiningnan uli ni Reivy ang kanyang relo at nakitang may 5 minuto na lang sya.
Sa di kalayuan ay may gumalaw sa isang gilid, tiningnan ito ni Reivy at nabigla sya, dahil ang taong kanyang hinahanap ay yung tao na natatanaw niya sa gilid.
"Sirpa!" masayang sabi ni Reivy habang inaakay ang kanyang naghihingalong kaibigan.
"Reivy? bakit nandito ka? Sinabihan ko na sila Carl at Deceryl na ilayo ka dito" sabi ni Sirpa.
"Wala silang kasalanan Sirps, I insist to them na iligtas ka namin dito, andun sila sa labas ngayon nag-aantay sa atin" mahabang paliwanag ni Reivy kay Sirpa "Kaya halika na, isoot mo muna itong mask".
"Reivs, parang hindi na ata ako aabot at kung mabubuhay man ako ngayon Reivy. Wala narin" malungkot na sabi ni Sirpa. "At higit sa lahat mapapahamak ka kung makikita ka nila na tinutulungan mo ako, ako na leader ng mga ralyista na sumasalungat sa gobyerno".
"Yawa ka Sirpa! wag kang magsalita ng ganyan!" galit na sabi ni Reivy
"Reivy? naaalala mo pa ba nung mga oras na namatay ang pamilya mo?" sabi ni Sirpa kay Reivy.
-Flashback-
"Reivy tama na yang kakaiyak mo" comfort ni Sirpa kay Reivy
"Ang sakit sakit Sirps, wala na akong pamilya, pinatay nila ang pamilya ko" hagolhol ni Reivy kay Sirpa sabay yakap dito.
"Wag kang mag aalala Reivy nandito naman kami ni mommy, hindi ka namin pababayaan.... ipaghihiganti kita".
-End of Flashback-
"Reivy hindi ko na ata matutupad ang pangako ko na ipaghihiganti ko ang pamilya mo... pareho pa kami ng kinahinatnan, matagal talagang mapuksa ag kadiliman" mapait na sabi ni Sirpa sabay agos ng luhang kanina pa namumuo sa kanyang mga mata.
"Reivy paki sabi na din kay mommy ah na mahal na mahal ko siya" sabi ni Sirpa.
"Sirpa! ano kaba, malapit na tayong makalabas!" mangiyak ngiyak na sabi ni Reivy sabay tingin sa relo at may isang minuto na lamang siya.
"Reivy magpapahinga muna ako ah?" sabi ni Sirpa sabay pikit ng mga mata.
Huminto sa paglalakad si Reivy ng di na niya maramdaman na humihinga si Sirpa.
"Sirpa!!!!!!! gumising ka!" umiiyak na sabi ni Reivy
"Wag mong gawin sa akin ito! ikaw ang pinaka importanteng tao sa buhay ko!" hagulhol ni Reivy sa walay buhay na katawan ni Sirpa.
10
9
8
7
6
5
4
3
2
"Kung mawawala ka na din Sirpa, mabuti pang sumama na rin ako" wala sa sarili na sabi ni Reivy
1
Nawalan na ng bisa ang tear gas mask na soot ni Reivy kaya nagsisimula na siyang hindi makahinga. Pinikit ni Reivy kanyang mga mata at humiga sa tabi ng walang buhay na katawan ni Sirpa sabay hawak sa kamay. "Paalam na sa mundong ito, alam kung hindi mo ito magugustuhan Sirpa, pero hindi ko makakayang hindi ka makita... mas mabuti pang sumama nalang ako sayo" sabi ni Reivy kay Sirpa sabay pikit.
Makalipas ang ilang minuto ang nalagutan na ng hininga ang dalawa at higit sa lahat... Reivy failed THE RESCUE.
YOU ARE READING
The Rescue
Mystery / ThrillerSirpa whom a member of protest group gone missing after the chaotic smoke event happened that kills thousands of people protesting and Reivy who will do anything just to find and rescue her only treasure and bestfriend. Will she succeed or will she...