Makalipas ang ilang mga araw ay nakaplano na ang lahat para sa pag luwas mommy ni Sirpa ng bansa. Nandito sila ngayon sa airport para ihatid si tita Soo.
“Talaga bang hindi kayo sasama sa akin? Ayaw niyo ba doon sa Korea? Diba idol niyong ang blackpink? Baka swertehin tayo at makita natin sila” sunod sunod na sabi ni tita Soo kina Sirpa at Reivy
“Hindi na tita, ikaw na muna doon, baka susunod din kami ni Sirpa” sabi ni Reivy kay tita Soo
“Oh baby, bakit tulala ka naman diyan? Babalik din naman ako ah” sabi ni tita Soo sa naktulalang si Sirpa
“Ma-mi-miss kita mommy…. sana magkita pa tayo” halos pabulong na sabi ni Sirpa sa kanyang huling sinabi
“Tita ma-le-late kana sa flight mo!” sabi ni Reivy kay tita Soo
“Hala oo nga, oh sya sge na aalis na ako!” sabi ni tita Soo sabay yakap sa dalawa
“Reivy alagaan mo si Sirpa ah! At ikaw Sirpa alagaan mo si Reivy” sabi ni tita Soon a tinunguan naman ng dalawa
“Send our regards to Jisoo, Jennie, Rośe at Lisa tita ah pag nakita mo sila” sabi ni Reivy to light up the mood
“No worries Reivy” sabi tita Soo sabay diretso na sa eroplano
“Halika na Sirps, uwi na tayo” sabi ni Reivy kay Sirpa
“Tara na” sabi ni Sirpa
Habang tinutungo nila Reivy at Sirpa ang daan papuntang bahay ay napansin ni Reivy na kanina pa tahimik at walang kibo si Sirpa kaya minabuti niyang tanungin ito
“Sirps okay kalang? Kanina kappa walang kibo ah” pag aalala ni Reivy
“Reivy, dapat kasi sumama kana lang kay mommy eh, paano kung mapahamak ka…paano kung madamay ka dito sa gulong pinasok ko? sabi ni Sirp kay Reivy
“Wag kang mag aalala Sirps, trust me hindi ako mapapahamak” sabi naman ni Reivy
“If you say so” sabi ni Sirpa
“Kaya wag ka nang mag alala diyan!” sabi ni Reivy dahilan para gumaan ang loob ni Sirpa
Sa mga lumipas na araw ay nagging mas clingy at sweet si Sirpa kay Reivy ng walang dahilan, dahil dito parang tinamaan ng kaba si Reivy ng di niya maipaliwanag
Dumating na ang araw para umalis si Sirpa para sumama sa nag proprotesta
“Sirpa, hindi kana ba talaga mapipigilan?” pag aalalang tanong ni Reivy
“Promise Reivs ito na talaga ang huli, pagkatapos nito susunod tayo kay mommy dun sa Korea para makita ang blackpink hahahha” masayang sabi ni Sirpa kay Reivy
“Alam mo, ganyan din sabi ng pamilya ko bago sila umalis, pero dina sila nakauw—“
“Shhhh, uuwi ako Reivs, pupunta pa tayong Korea diba?” sabi naman ni Sirpa 'sana nga makauwi pa ako ng buhay'
“Hihintayin kita Sirps” sabi ni Reivy sabay yakap kay Sirpa ng mahigpit
Pagkatapos ng tagpong yun ay unti unting nawawala ang imahe ni Sirpa sa pananaw ni Reivy 'sana tuparin mo ang pangako mo Sirpa'
Pagkatpos ng tagpong yun ay tinamaan ng antok si Reivy. Madaling araw kasi umalis si Sirpa para sumama sa malakihang protesta na gaganapin ngayon. Sabi ni Sirpa kay Reivy ay ito na ang huling protestang sasalihan niya at pagkatapos nun ay titiwalag na sya. Ang protesta nila ngayon ay tungkol sa pagpapa impeach ng diktadoryang presidente. 'sana okay lang si Sirpa sa gagawin niya ngayon' sa isip-isip ni Reivy sabay pikit ng mga mata para matulog.
YOU ARE READING
The Rescue
Mystery / ThrillerSirpa whom a member of protest group gone missing after the chaotic smoke event happened that kills thousands of people protesting and Reivy who will do anything just to find and rescue her only treasure and bestfriend. Will she succeed or will she...