Habang tinutungo ng tatlo ang daan kung saan nandoon si Sirpa may nakita sila grupo ng mga militar na seryosong nag uusap kaya nagtago silang tatlo sa gilid ng mga gulong.
"Oh ano ng balita doon pre?" tanong ng sundalo sa kapwa niya sundalo
"Lahat ay naaayon sa plano pre" nakangising sabi naman niya.
"May bunos na naman tayo nito!" masayang sabi ng isa.
Makalipas ang ilang minuto na pag uusap ay unalis narin ang dalwang sundalo at lumabas nadin ang tatlong nagtatago sa gilid ng gulong.
"We knew it!" sabay na sabi nila Deceryl at Carl.
"Magmadali na tayo! Kung magtatagal pa tayo ay baka di na magtagal buhay ng kaibigan ko!"
Makalipas ang ilang oras na paglalakad ay narating na nila ang main place kung saan nagsimula ang usok.
"Shit guys! Parang wala nang taong mabubuhay sa loob! tignan niyo! Punong puno na ng usok" sabi ni Reivy.
"And look over there! May mga nakabantay pa nga!" saad naman ni Carl.
"Napaka walang puso talaga ng pamahalaan! Binabantayan pa nga nila para siguradong patay lahat ng ralista! At para di malaman ng tao na sinadya itong usok!" galit na sabi ni Deceryl.
"Guys! Isoot niyo na yung tear gas smoke niyo!" ma-owtoritadong sabi ni Reivy sa mga kasama na kaagad naman nilang sinunod.
"Ganito ang plano guys, ikaw Carl ang susugod sa kanila since ikaw ang lalaki at tiyak na may lakas ka naman jan, tsaka may nakita akong kahoy kanina kunin mo yun tas ipukpuk, since hindi naman sila nasa isang pwesto lang kundi ay watak. Gagawin natin ang atake natin sa mahinhin na paraan." seryosong sabi ni Reivy "At tayo naman Deceryl ay tayo ang lilibang sa mga militar habang si Carl ang susugod na gets mo ba?" tumango naman ang dalawa.
"So let's bring it on!"
Sila Reivy at Deceryl ay pumunta sa isang militar.
"Hoi! Anong ginagawa niyo dito? Delikado dito at bawal!" sita ng militar sa kanilang dalawa.
Sa bilis ng pangyayari ang militar na kausap nila Reivy at Deceryl ay nakabulagta na habang dumudugo ang ulo
"Serves him right!" sabi ni Reivy "Salamat Carl" sabi ni Deceryl.
"Paano nato? Ang rami nila!" sabi ni Reivy sa dalawa habang nakatanaw sa mga militar na nakapalibot sa area kung saan nagsisimula ang usok.
"Reivy, ikaw ang papasok sa loob habang kaming dalawa ni Carl ang makikipagpatayan sa mga sundalo na iyan" giit naman ni Deceryl.
"Tama sya Reivy, gawin mo ng maayos ang pag rescue mo kay master" sabi naman ni Carl. "At wah muna ding asahan na buhay pa kami pagkatapos nito, wag kang mag alala naka handa kaming mamatay" sabi ni Carl kay Reivy.
Sa madaling iglap nandoon na sila Deceryl at Carl nakikipaglaban sa mga militar. Suntok doon, suntok dito! Putok dito putok doon. Habang si Reivy naman ay naiwang naka tulala sa sulok, bakas sa mukha nito ang takot.
"Hoi gaga! Pumasok kana sa loob!" sigaw ni Carl na dahilan para matauhan si Reivy.
Dahil dito ay kumilos na si Reivy. Pinalitan niya muna ang kanyang tear gas mask at tsaka pumasok na si Reivy sa kung nasaan si Sirpa.
'Sirpa kumapit ka lang, malapit na ako' sa isip-isip ni Reivy habang tumutungo sa daan na puro usok.
YOU ARE READING
The Rescue
Mystery / ThrillerSirpa whom a member of protest group gone missing after the chaotic smoke event happened that kills thousands of people protesting and Reivy who will do anything just to find and rescue her only treasure and bestfriend. Will she succeed or will she...