CHAPTER 4

10 0 0
                                    

Bago pa umandar ang eroplano ay tinawagan muna ni Reivy si Sirpa para ipaalam ang kanyang pag uwi.

"Hoi Sirpa! Ngayon ang uwi ko, probably bukas pa ang dating ko diyan kasi almost 17 hours ang byahe pa France hanggang Pilipinas. Make sure na yang mukha mo ang unang sasalubong sa akin sa airport ah?" sabi ni Reivy kay Sirpa.

"Oo na! Hindi ka naman masyadong halata na na miss moko eh HAHAHAH" sabi ni Sirpa sa kabilang linya.

"Oh cge na, end call ko na. Lilipad na itong eroplano!" sabi ni Reivy sabay end ng call nang hindi man lang hinintay ang sagot ni Sirpa.

Hayst ang swerte ko talaga kila tita Soo at Sirpa. Magmula noong mamatay ang pamilya ko, si tita Soon na ang nagpalaki at tumayong magulang ko, at si Sirpa naman naging parang kapatid ko na, yung daddy naman ni Sirpa eh hindi ko pa nakikita magmula noon. Pag tatanungin ko kasi si tita Soo ay iniiwasan niya itong sagutin at bilang pag respeto ko narin sa kanyang privacy ay isinikabit-balikat ko nalang yun. Si Sirpa naman hindi pa daw niya nakikita ang mukha ng tatay niya ang sabi lang sa kanya ni tita Soo ay patay na ito...... kaya pala nagiging sensitibo si tita Soo sa usaping iyon.

Sa pag isip-isip ni Reivy ng mga bagay, siya ay nakatulog sa byahe.

Makalipas ang ilang oras, nagising si Reivy sa kalabit ng isang tao.

"Urgh! Wag ka ngang magulo diyan!" singhal na sabi ni Reivy.

"Pasensya napo ma'am pero dumating napo tayo ng Pilipinas at ikaw nalang ang pasaherong hindi pa lumalabas dito" nahihiyang sabi ng flight attendant sa kanya.

"Oh! I'm sorry, I didn't mean to yell at you. Ang haba kasi ng byahe hihi napasobra yata ang tulog" kalmang sabi ni Reivy sa flight attendant.

"Ok lang po ma'am" sabi naman ng flight attendant.

Pagkatapos ng tagpong yun ay lumabas na si Reivy sa eroplano at dinukot and kanyang cellphone para I text si Sirpa na nasa Pinas na siya. Habang nag ta tayp si Reivy, may mga kamay na nagmula sa likod ang humarang sa kanyang mga mata dahilan para humiyaw at magulat si Reivy.

"Waaaaaaaaaaah" sigaw ni Reivy na umagaw ng atensyon ng mga tao.

"Hoi Reivs! Si Sirpa to!" sabi ni Sirpa sabay kuha ng kamay nya sa mga mata ni Reivy.

"Gague ka Sirps! Akala ko kung sino na!" mangiyak-ngiyak na sabi ni Reivy.

"Hayst napaka matatakutin mo talaga" sabi ni Sirpa.

"Pero maiba nga tayo, bakit andito kana eh hindi pa nga kita tine text!" sabi ni Reivy kay Sirpa.

"Ano kasi Reivs.... Hihi" sabi Sirpa.

"Ano?!" ma-owtoritadong sabi ni Reivy.

"Galing kasi ako ng protesta kanina, at bago ako pumunta sa protesta ay si-net ko ang alarm ko into 17 hours gaya ng sabi mo na 17 hours ang byahe pa France papuntang Pilipinas kaya ayun sakto naman natapos yung protesta almost 17 hours na din kaya dumiretso na ako dito" mahabang paliwanang si Sirpa.

"ANOOOOOOOOO? galing ka naming protesta? Diba sabi ko naman sayo na tumiwalag kana diyan? Gusto mo bang matulad sa pamilya ko?" Galit na sabi ni Reivy.

"Alam mo Reivy, kung walang boses na magsasalita walang mangyayaring maganda sa bansang ito. At isa pa hindi ako tulad mo na duwag" sabi ni Sirpa na Ikininagulat niya at ni Reivy.

"Sorry Reivy! Diko sinasadyang sabihin yun" sabi ni Sirpa.

"Ok lang Sirps" sabi ni Reivy sabay drop a force smile.

"Halika na, umuwi na tayo, pagod narin ako sa byahe eh. By the way dalhin mo yang ibang mga pasalubong ko sa inyo ni tita Soo" sabi ni Reivy sabay punta sa dalang sasakyan ni Sirpa.

"Ok Reivy" sagot naman ni Sirpa.

Sa isip naman ni Sirpa "Shocks ang tanga-tanga ko talaga, bakit ko sinabi ko yun! hayst".

The RescueWhere stories live. Discover now