“Diba last week pumunta ka ng France para asikasuhin yung business mo doon?” sabi ni Sirpa kay Reivy
“Oo, at ano naman ang kinalaman noon dun?” taking tanong Reivy kay Sirpa
“Simula noon Reiv, nakakatanggap na ako ng death threats at alam ko gawa yun ng nasa pamahalaan” sabi ni Sirpa na ikinagulat ni Reivy
“Wtf Sirpa! Alam ba to ni tita Soo?” galit na tanong ni Reivy kay Sirpa
“Hindi niya ito alam, at hindi niya malalaman” seryosong sabi ni Sirpa
“Pero, kailangan niya tong mala---“
“Hindi niya ito pwedeng malaman, mapapahamak lang si mommy” putol ni Sirpa kay Reivy “Kaya Reivy, I'm begging you wag mong sabihin kay mommy……. Please” dagdag ni Sirpa
“Okay, mabuti na din siguro na hindi niya ito malaman, Pero mind telling me anong mga death threats ang natatangggap mo” sabi ni Reivy kay Sirpa
“Okay, iku-kwento ko sayo lahat” sabi ni Sirpa
-Flashback-
Isang araw pa lang noong umalis si Reivy para asikasuhin ang business niya sa France eh name-miss ko na siya, “makanood na nga lang ng TV”
Binuksan ni Sirpa ang TV at natuwa siya dahil laman ng balita ang pagdating ni Reivy sa bansang France. Hangang hanga siya sa pakiki-pag-usap ni Reivy sa mga reporter gamit ang lenggwaheng French “Wow ang layo na talaga ng naabot ni Reivy” hangang sabi ni Sirpa habang nanoon ng TV.
Makalipas ang ilang minuto ay inutusan ni tita Soo si Sirpa na pumunta ng palengke para bumili ng kanilang hapunan.
“Sirpa, pumunta ka muna ng palengke para may mahapunan tayo ngayon, nakalimutan ko wla na pala tayong stocj dito sa ref” mahabang paliwanag ni tita Soo
“Oo mommy, akin na yung pera” sabi ni Sirpa sabay bihis bago umalis ng bahay
Isang oras ng matapos si Sirpa na mamalengke at naisipan na niyang umuwi. Sumakay si Sirpa sa kanyang sasakyan, habang tinutungo ni Sirpa ang daan pauwi ay kanina pa niya tila napapansin ang motor na sunod ng sunod sa kanya.
“Shit parang sinusundan ako ah” singhal na sabi ni Sirpa
Lumiko si Sirpa sa kabilang highway na kalaunan ang pinagsisihan niya
“Shit bakit dito pa ako napunta” sabi ni Sirpa ng mapansing walang tao sa daan
Dito na nakahanap ng tiyempo ang mga taong sumusunod kay Sirpa. HInarang nila ang motor nila dahilan para tumigil si Sirpa sa pagmamaneho.
“Bumaba ka diyan” sabi ng isang lalaki at isang lalaki naman ay nakabantay
“Lalabas ka oh, lalabas ang pangalan mo sa obitwaryo?” sabay labas ng lalaki ng kanyang baril at itinutok kay Sirpa
Dahil dito napilitang lumabas si Sirpa sa kanyang sasakyan habang nakataas ang dalawang kamay
“Ssiinnoo kayo?” nauutal na sabi ni Sirpa sa lalaking tumutok sa kanya ng baril
“Ohhh, wag kang matakot, hindi ka pa naman namin papatayin” sabi ng lalaki may hawak ng baril kay Sirpa
“Andito lang kami para balaan ka na tumiwalag at tumigil na sa kaka-kontra sa pamamalakad ng gobyerno” dagdag na sabi ng lalaki
“Anong pinagsasabi niyo? Wala akong alam diyan” pag de-deny ni Sirpa
“Wag ka ng mag maang maangan diyan, alam naming na ikaw ang leader nila” giit ng lalaki kay Sirpa “Kung wala ka hindi sila mag lalakas ng loob na mangialam sa gobyerno” dagdag ng lalaki
“Sa katunayan nga, pwede ka na naming patayin ngayon at palabasin na lang na aksidente ang lahat at boom! Tapos ang problema, pero utos sa amin takutin ka muna namin” sabi ng lalaki kay Sirpa na
naka-tutok parin ang baril
“Bago ka sumabak sa giyera, kilalanin mo muna ang kalaban mo” giit ng lalaki“Kaya bibigyan ka naming ng dalawang lingo para maka pag desisyon, pero pag matigas parin ulo mo……kabaong ang kahihitnanan mo” sabi ng lalaki “at oo nga pala damay din ang mama mo at yung kaibigan mo, kaya mag isip ka nang mabuti” sabi ng lalaki
“Pre, hali kana may tao nan a dumadating” sabi ng lalaking nakabantay
“Anjan na” sabay tingin sa kanyang kasama “At ikaw pag isipan mo ang sinabi ko” sabay tanaw kay Sirpa
Pagkatapos nun, naiwang tulala si Sirpa habang gulong gulo ang isip.
-End of Flashback-
“Shit Sirpa, bakit dimo sinabi sa akin yan?” galit na sabi ni Reivy pagkatapos madinig ang ekplenasyon ni Sirpa
“Sorry Reivs, ayaw lang kitang mag-alala” sabi ni Sirpa sabay tulo ng luha nito
Dahil sa inasta ni Sirpa, hinagkan ito ni Reivy. Di makapaniwala si Reivy na ang Sirpa na nakikita niyang palaging tumatawa, palaban at malakas ay umiiyak ngayon sa harapan niya
“Ssshhh, magiging okay din ang lahat, tutulungan kita” sabi ni Reivy sa gitna ng kanilang yakapan
“So ano nang plano mo ngayon?” sabi ni Reivy kay Sirpa dahilan para maputol ang kanilang yakapan
“Una sa lahat Reivy, kailangan nating ipadala si mommy sa ibang bansa, para makasigurado akong ligtas siya, at ikaw…. Sasama ka sa kanya” sabi ni Sirpa kay Reivy
“No! I'll stay here with you” dahilan para mapangiti si Sirpa
“Sabi ko na nga ba eh, di moko pababayaan” sabi ni Sirpa sabay yakap kay Reivy
“So kailan mo ipapaluwas ng bansa si tita Soo” tanong ni Reivy
“A week from now, para din di sya magtaka at isa pa kailangan pa nating planuhin ang lahat” sabi ni Sirpa
YOU ARE READING
The Rescue
Mystery / ThrillerSirpa whom a member of protest group gone missing after the chaotic smoke event happened that kills thousands of people protesting and Reivy who will do anything just to find and rescue her only treasure and bestfriend. Will she succeed or will she...