CHAPTER 9

5 0 0
                                    

Sa kalagitnaan ng pag-iisip ni Reivy kung paano maiiligtas si Sirpa ay lumapit ang dalawang tao na tumulong sa kanya kanina.

"Kamusta yang tuhod mo?" Tanong ng lalaki na tumulong kanina kay Reivy.

"Hoi! Ano kaba! Magpakilala muna tayo ng maliwanagan siya" singit ng babae na tumulong din kay Reivy kanina.

"Ay bilat sa tiger, nakalimutan ko unknown pa pala tayo sa kanya" sabi ng lalaki "Ako nga pala si Carl!" sabay abot ng kamay niya kay Reivy.

Si Carl ay may katangkaran, at makapal na kilay. Ang kanyang mga balat rin ay may kaputian, yung tipong di naaarawan.

"At ako naman si Deceryl! Ang pinaka magandang babae sa balat ng lupa!" Proud na sabi ng babae sabay abot ng kay Reivy.

'may pagka mahangin to ah' sa isip-isip ni Reivy.

Si Deceryl naman ay di katangkaran, yung tipong height na parang 5 flat lang. Maliit sya pero parang may kaingayan, ang kanyang balat ay kayumanggi at may mga buhok na straight.

"Ako nga pala si Reivy" sabi niya "salamat nga pala sa pagtulong sa aking kanina ah?".

"Actually alam namin kung sino ka" sabi ni Carl.

"At hindi ka namin tinulungan dahil kailangan mo, kung hindi inutusan kami na.... protektahan ka" sabat naman ni Deceryl.

"Sino ang nag utos sa inyo?" seryosong tanong ni Reivy sa dalawa.

"Si Sirpa" sabay na sabi nilang dalawa.

Nagulat si Reivy sa sinabi ng dalawa.

"T-e-ka bakit niyo kilala ang kaibigan ko?" utal-utal na sabi ni Reivy.

"Wag kang mag alala Reivy, mapagkakatiwalaan kami" sabi ni Deceryl.

"Deceryl, mabuti pang doon tayo mag usap sa walang tao at walang makakarinig, mahirap na. Ang bilin pa naman sa atin ni master Sirpa ay mag ingat tayo sa kilos natin kasi di lahat ng tao ay kakampi natin". Mahabang paliwanag ni Carl sa dalawa.

"Mabuti pa nga" sabi naman ni Deceryl.

Habang maingat na nakabantay si Carl sila Reivy at Deceryl naman ay nag uusap.

"So ano na? Asan na ang kaibigan ko?" magkasunod na tanong ni Reivy.

"Sa totoo lang Reivy, hindi namin alam kung ----"

"Kung ano?!" iritabling sabi ni Reivy.

"Kung mabubuhay pa ba sya" diretsang sabi ni Deceryl.

Napasinghap at nawalan ng balanse si Reivy sa sinabi ni Deceryl sa kanya. Mabuti nalang at nasalo siya ni Deceryl.

"No! Buhay pa sya!" hysterical na sabi ni Reivy "Kung duwag man ako, ay magpapaka tatag ako para lang mailigtas si Sirpa" determinadong sabi ni Reivy.

"Pero ang kabilin bilinan ni master sa amin ay ilayo ka dito at protektahan"

"Wala nang pero pero, sasama kayo or papabayaan niyo ko? You choose" paghahamon ni Reivy.

Si Deceryl naman ay nilapitan si Carl para ipaalam ang kanilang napag usapan.

"Well kung yan ang gusto mo, sasama kami" sabi nilang dalawa.

"Then we're good here." sabi ni Reivy "Ngayon ay pagplanuhan muna natin ang nga hakbang at dadalhin natin."

"So according to the news, the caused of smoke is ammonia which is very dangerous when inhaled. Ammonia effects to human are immediate  burning of the nosethroat and respiratory tract. This can cause bronchiolar and alveolar edema, and airway destruction resulting in respiratory distress or failure" mahabang paliwanag ni Carl.

"Sa madaling salita Reivy, once ma inhaled mo ito ang mataas ang chansa mong mamatay" dagdag na paliwanag ni Deceryl.

"Kung sino man ang putang inang nagpakawala ng lintek na gas na yan ay walang puso!" galit na sabi ni Reivy.

"Sure kami Reivy, may kinalaman ang pamahalaan dito" sabi ni Deceryl.

"Kasi kanina, bago kami pumunta sayo ay doon kami nanggaling sa protesta, kasama pa kami ni master kanina ng bigla nalang may usok na nakita doon. Or should I say sinadya talagang pausukan yung mga ralista" pagpapaliwanag ni Carl

"Tapos pina-alis ng kaming dalawa ni Carl para puntahan ka at ilayo dito, pero salungat sa gusto ni master ang gagawin natin ngayon" sabi ni Deceryl.

Makalipas ang ilang minuto na pagpaplano nila ay handa na silang umalis para ma rescue si Sirpa.

'Hintayin moko Sirps! Hindi kapa pwedeng mamatay! Hindi pa natin nakikita ang Blackpink' sa isip ni Reivy.

The RescueWhere stories live. Discover now