CHAPTER 5

11 0 0
                                    

Sa loob ng sasakyan, tila nakaka-binging katahimikan ang bumalot sa dalawang magkaibigan, sa isip-isip ni Sirpa ay nasaktan talaga niya si Reivy sa kanyang mga sinabi kanina.

"Reivy?" tanong ni Sirpa kay Reivy.

"If this is all about a while ago, it's better for you not to talk Sirps" sabi naman ni Reivy.

Sa lagay na ito, alam ni Sirpa na seryoso si Reivy dahil sa tono ng kanyang boses at ang paggamit nito ng lenggwaheng ingles na walang putol-putol. Pag galit na galit kasi Reivy ay gumagamit ito ng wikang ingles.

Sa kalagitnaan ng byahe tinigil biglaan ni Sirpa ang kanyang minamanehong sasakyan. Dahilan para malapit silang maaksidente.

"Jisoos Christ Sirps! Gusto mo bang mabangga tayo!" galit na sabi ni Reivy.

"Look Reivy, hindi tayo uuwi ng nasa ganitong state. Hindi tayo uuwi ng may sama ka ng loob sa akin, alam kong na offend ka sa sinabi ko kanina, kaya....sorry na" mahinahong sabi ni Sirpa sabay tingin kay Reivy.

"Oo na offend ako sa sinabi mong duwag ako, pero ang sa akin lang din naman Sirps tumiwalag kana jan sa ka-kaprotesta mo. Gusto mo bang matulad sa pamilya ko?" mahinahong sabi ni Reivy kay Sirpa pero bakas sa tinig nito ang pag piyok ng kanyang boses.

"Naging pamilya ko na kayo Sirps, kayo ni tita Soo, kayo nalang ang natitirang pamilya ko dito sa mundo, paano kung mawala ka? Paano na si tita Soo? Paano na ako?" mangiyak-ngiyak na sabi ni Reivy kay Sirpa.

Si Sirpa naman ay nagulat sa mga sinabi ni Reivy, ganito pala ang kanyang nararamdaman, ganito pala siya kamahal ng kanyang kaibigan. Hindi mapigilan ni Sirpa na hagkan ng mahigpit si Reivy para pata-hanin at papa-kalmahin.

"Sssshhhh, tama na Reivy" sabi ni Sirpa sa kalagitnaan ng kanilang mga yakap.

Makalipas ang ilang minutong kon-promtasyon ay tumiwalag na si Reivy sa yakap nila ni Sirpa.

"Tama na nga to! Ikaw kasi eh, pina-paiyak mo ko" tawang sabi ni Reivy kay Sirpa sabay hiwalay sa kanilang mga yakap.

"Oh sya sige na hahaha, magpatuloy na tayo sa byahe at naghihintay na si mommy doon" sabi ni Sirpa sabay andar ng sasakyan.

Sa isip naman ni Sirpa, "hindi ako titigil sa kakaprotesta Reiv, kawawa ang mga natatapakan, kawawa ang mga na aabuso at higit sa lahat kawawa ang mga nabibiktama ng maling pamamalakad ng pamahalaan, mag i-ingat ako dito sa pinasukan kong gulo, PRO-PROTEKTAHAN KO SI MAMA AT HIGIT SA LAHAT....... IKAW".

-----

Makalipas ang ilang oras na byahe ay narating na nilang dalawa ang kanilang destinasyon.

"Reivy, bumangon ka na diyan" sabi ni Sirpa kay Reivy.

"Hmmmmmm" tugon naman ni Reivy.

"Bumangon kana diyan, doon muna ituloy ang tulog mo sa bahay, yung mga ga-bundok mo palang pasalubong sa amin ni mommy naipasok ko na sa bahay" sabi naman ni Sirpa kay Reivy.

Pagkatapos nun ay lumabas na ng sasakyan si Reivy. Pagka-pasok niya sa bahay ay sumalubong sa kanya si tita Soo sabay yakap dito.

"Hello Reivy! How's the trip" masiglang sabi ni tita Soo sabay kalas sa yakap.

"Ito tita, nakakapagod" lamyang sabi ni Reivy.

"Oh sya, cge na magpahinga ka na doon" sabi naman ni tita Soo kay Reivy.

Dumiretso si Reivy sa kanyang kwarto para ituloy ang kanyang naputol na tulog.

Sa kalagit-naan ng gabi ay nagising si Reivy dahil sa nagutom, nakalimutan niya na hindi pa pala ito kumakain kaya dumiretso ito sa kusina

"Napasarap ata tulog ko ah, grabe naman si Sirpa diman lang ako ginising" nakangusong sabi ni Reivy sabay lantak ng pagkain

Sa kalagitnaan ng kanyang pag-papabusog ay tila narinig niya si Sirpa na may kausap sa telepono, bakas sa mukha nito ang pagkabahala at bakas sa boses ni Sirpa ang takot, tila may tumulak kay Reivy na makinig sa usapan ni Sirpa, kaya di muna niya tinawag si Sirpa.

"Hindi mo ko masisindak sa mga pinag-sasabi mong yan" galit na sabi ni Sirpa sa kanyang kausap.

"Well, let's see mag-aantay ako ng ilang mga araw, kapag hindi kapa tumigil sa kaka-kontra sa gobyerno, pasensyahan nalang tayo" bantang sabi ng kausap ni Sirpa sa kabilang linya at tinapos ng lalaki ang tawag.

"Uuurrgghh! Paano nato, di ako pwedeng tumigil, ang layo na nang naipaglaban ko" sabi ni Sirpa sabay gulo ng kanyang buhok

Sa kalagitnaan ng kanyang pag aalala iniluwa sa isang sulok ang mukha ni Reivy na parang naghahanap ng kanyang sagot.

"Rrr-ievy! Let me explain" sabi ni Sirpa kay Reivy.

" Spit it out Sirps" ma-owtoritadong sabi ni Reivy kay Sirpa.

The RescueWhere stories live. Discover now