Assassination Time

283 7 2
                                    


**

*RIIIIIIIING*

Nang marinig ko ang bell agad kong sinoli ang librong binabasa ko sa library at tumayu na.

Sa paglabas ko, nakasalubong ko ang mga classmate ko last year.

Imbis na mag ngitian at magbatian, di nila ako pinansin at nagbulungan lang sila.

Tch! Ganyan naman sila e, nung last year lagi silang nakangiti sa'kin at binabati ako. Pero nang mapunta ako sa Class 4-F, lumayu na sila sa'kin.

Alam ko namang tinatawag ang section na yun na F dahil yan ang Final class ng 4th year, at sa lahat ng year ang 4th-year lang ang may class F, it is also believed na pag sa F ka nailagay, it means bobo ka, irrelevant. Because our school is all about being perfect and intelligent, kaya ganon na lamang kapanghusga mga tinginan nila.

"Tch," I clicked my tongue at napakuyom sa inis, I just ignored them at planong dumiretso nalang sa classroom.

Imbis na pumunta sa 4th floor, dumiretso ako pababa, mas mababa pa sa 1st floor, let's just say na basement na sya kung tatawagin.

Pero pag nakababa ka na, may classroom na tanging ang mga taga 4-F lang ang nakakaalam, dahil ito ang classroom namin.

Hinawakan ko na ang doorknob at pinihit ito, pagbukas ko naman nagtinginan sila sa'kin.

"Good morning Rain," bati nila.

Ngumiti naman ako at nagpatuloy lang sa pagpasok.

"Andito na si prof?" Tanong ko sabay upo sa upuan ko sa harapan.

"Wala pa," sagot ni Andrei sa tanong ko.

Napangiti naman ako at dinukot ang baril na nasa ilalim ng palda ko, kung saan ito nakatago.

"Habang wala pa ang bloodsucker na yun ihanda na ninyo ang mga assassination weapons," utos ko sa kanila.

Sumunod naman sila at humanda na sa kanyang pagdating.

"Andito na sya," Lawrence announced to the class.

"Good, umupo na muna kayo," utos ni Aira sa amin, at umupo na kami.

Narinig namin ang mga yabag ng kanyang paa, at sa pagtigil nya sa harapan ng aming pintuan.

Lahat kami'y nakahanda sa pagpasok nya sa room, nang buksan nya na ito, ang nakangiting muka nya ang nasalubong namin.

"Good morning everyone," bati nya tas inilapag na ang kanyang gamit sa mesa.

"Good morning prof.," ako sabay tayo, kasi ako ang in-charge sa pag greeting for today.

"Good morning..." sunod ng mga kaklase ko sabay tayo, then agad naming ipinalabas ang mga baril at tinutok sa kanya, "prof. Kram," dugtong namin at tinira ito ng sabay-sabay.

We are the Class 4-F, and we are Assassinating our Vampire Teacher...

NOTE: NOT THE FIRST CHAPTER.

Operation: Assassinating our Vampire Teacher. (TYPING...)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon