**
Nagsimula ng magturo si prof Kram sa'min.
Lahat tahimik lang at wala pang nakakagawa ng galaw mi-isa.
"Hoy Rain" tawag ni Janna sa'kin kaya hinarap ko sya.
"Oh bakit?" Bulong ko sa kanya na may halong tanong.
"May plano ka na ba sa pagpatay sa kanya?" Tanong nya naman, sabay tingin kang prof. Kram.
"Mmm," sabay iling ko "ba't ako tinatanong mo?" Sagot ko.
"E baka lang may plano kana you know?" Sabay kibit balikat nya.
"Wala pa nga e mi-isa, kailangan ko pang makinig sa pagtuturo-- WAAAAAHHH!!!" Sigaw ko ng malakas nang humarap na ako.
Pano ba naman e nang humarap ako, napakalapit ng muka ni prof. Kram at nakasmile pa ito.
Narinig kong nagtawanan ang mga classmate ko kaya napatungo nalang ako sa hiya
Lumayu si prof, pero nasa harapan ko parin sya nakatayo "miss Shuverill? Pwede bang mamaya nyo yan pagplanuhan yang pagpatay sa'kin? Nakakadistorbo kayo sa klase e, at dahil jan, may punishment kayong dalawa," sabay ngiti nya ng nakakaloko na ikinakaba ko.
**
Haiiist~ kainis naman 'to oh, sa lahat pa talaga ng inutos, ito pa.
"Miss Shuverill dahil sa paglabag sa rule ko? Ang punishment mo ay ang linisin ang school ground at may permit ka na, ikaw naman miss Helm, lilinisin mo ang school canteen, also may permit ka na rin dun, magsisimula yan pagkatapos nyong kumain sa lunchbreak," ngumiti sya at tumalikod na "now, where were we?" Tanong nya sa lahat at nagpatuloy lang sa pagtuturo.
Yan yung utos ng bloodsucker na yun. Also nalaman namin na may sariling canteen ang taga Class F, inilalayu ang Class F sa lahat, kasi palagi sumasama sa'min si prof. Kram, at mamaya dawng lesson maghahanap na kami ng weapon namin.
Habang kumakain kaming dalawa ni Janna, biglang may tumabi sa'min.
"Hello, ako nga pala si Ryuuk Takashi, ito naman si Daichi Minone," pakilala ng isang lalake na may itim na buhok, at pinakilala nya rin yung kasama nyang blue dark ang hair at maputi ang very quiet person.
"Hello, Rain pala," pakilala ko.
"Janna naman ako," sagot ni Janna at nakipagkamay kami sa kanila.
"Pagpasensyahan nyo nalang si Daichi hah? Abnoy kasi 'to ayaw magsalita," sagot nya na parang nalugi ang muka.
Natawa nman kami "ahh, ayos lang, may translator naman," natatawang sagot ni Janna.
tumango naman si Ryuuk at nagtawanan kami, sabay-sabay kaming apat kumain.
Nang matapos na kami, tumungo na ako sa shool ground at si Janna sa school canteen.
Nang makalabas ako ng building, may lumapit na matandang lalake sa'kin at may dalang panlinis sa ground.
Mukang alam ko na ang gagawin nito ahh.
"Ayan, ikaw yun diba?" Tanong nya sabay bigay sa panlinis.
"O-opo," nagadadalawang isip kong sagot sabay kuha nito.
Tumango lang yung matanda at umalis na sya.
Ako naman napabuntong hininga at nagsimula ng linisin ang ground, at ang lahat ng mata nila ay nasa akin.
"Tingnan mo oh, diba si Rain yun?" "oo nga, narinig kong nasa Class F na sya ngayon," "ee? Kaya naman pala naging katulong," "wag nalang natin syang kausapin baka mahawa pa tayo at akalain din ng iba na taga F tayo," "oo nga,".
BINABASA MO ANG
Operation: Assassinating our Vampire Teacher. (TYPING...)
Action||Ongoing|| GENRES ||Action||Romance||Epic|| I the author of this story is inspired of Assassination Classroom, an anime series :). NOTE: READ BEFORE YOU JUDGE :D.