Fourteenth Assassination "What WE Want"

106 4 2
                                    


**

"Alis na ako ma!!!" Pamaalam ko pagkalabas ko ng bahay

Mukang malelate yata ako? May plano sana kami na bisitahin ang ibang work ng section--kung papayagan kaming makapasok sa kanilang works edi wow

"Kailangan kong mag madali!!!"

SCHOOL

Pagkadating ko sa room naabutan ko pa sila...

"Oh good, andito pa kayo" ako at napa sigh

"Yeah we F stick together e... anyways hali na nga kayo" sagot ni Janna

"Okay~" sagot naman nila tas nagsilabasan na para mabisita ang mga works ng ibang sections and years.

Pagkalabas namin nag split-up kami into groups... kasama ko sina Janna, Daichi, Ryuuk, at Yueki habang ang iba naman ay kasama ang grupo nila

"Bisitahin natin ang kina Yamane" sagot ko, tiningnan naman nila ako na parang nang-aasar "bakit?" Taka kong tanong

"Yamane agad hah?" Asar nila

"Nag text kasi sya sa akin na puntahan ko raw ang sa kanila, mukang magtatampo naman ang baliw kung di ako pupunta, sabi nya rin isama daw kayo" sagot ko

"Ganun ba? Edi bisitahin natin"--Ryuuk

"Mabuti naman may kaibigan din tayo na labas sa F noh?" Si Yueki at nagsimula na kaming maglakad

Pagkarating namin sa 4th year's building, ang sasama ng mga tingin nila sa amin kaya nainis kami ng onte

"Tsk!"--ako

Naramdaman ko naman ang kamay ni Daichi sa aking balikat kaya tiningnan ko sya

And he gave me a 'kalma ka lang' look

"Haha masanay ka na Rain, alam mo naman na kinasusuklaman tayo ng whole school diba? Specially ang mga 4th years" sagot naman ni Ryuuk at pinat nalang rin ang likuran ko

"Magpatuloy lang tayo sa paglalakad, as if naman na pumunta tayo dito para sa kanila!" Inis na sagot ni Janna na ikintango ko naman at naglakad lang patungo sa section nina Yamane

Pagkarating namin dun...

"RAIN!!! EVERYONE!!!" Agad tumakbo si Yamane papalapit sa amin tas binigyan ako ng mahigpit na yakap at ngitian sina Janna at nag apiran pa si Yueki at sya "so glad na nakarating kayo" nakangiti nyang sagot

"Yeah" masaya naman nilang sagot habang ako nasasakal na sa yakap ng baliw!

"Oi Yamane may balak ka bang sakalin ako? Sabihin mo lang!" Sagot ko naman na may deadly look kaya agad syang bumitaw

"Wahaha! Sorry Rain hah? Anyways pasok kayo, pinili naming magpatayo ng caffè kasi marami sa amin ang may skills sa pag bebake including me, pero..."

"Pero naging waiter ka kasi gwapo ka? Hahaha alam na namin na 'yan ang mangyayari" hula ni Janna sa biglang pag pause ni Yamane sa kanyang sasabihin

Napakamot naman sya sa batok nya at napangisi "kung maka gwapo naman 'to!" Suus~ na gustuhan nya naman 'yung sinabi ni Janna

Eh? Teka? Kailan sila naging close?

"Kailan kayo naging close?" Tanong ko

"Huh? Baket? Selos ka?" Asar naman ni Yamane kaya piningot ko tenga nya

"Sagot!" Inis kong tanong

"Haha, tinulungan nya kasi ako habang busy ka kaya mukang nagkaclose kami, ayos din pala 'tong si Yamane noh? Okay lang na agawin ka nya sa akin Rain hihi!" Sabay ngisi ng baliw na si Janna

Operation: Assassinating our Vampire Teacher. (TYPING...)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon