MATAMLAY si lhei nang bamalik sa klinika niya. Pumasok siya roon at binuksan niya ang mga bintana. Pagkaraa'y naupo siya sa isang silyang naroroon.
Bago siya magtungo rito sa san vicente matapos tanggapin ang trabaho bilang veterinarian dito sa rancho, ang iniisip niya'y magiging masaya siya rito at magiging maganda ang working relationship nila ng kanyang magiging employer.
Hindi pala.
Mabait nga si tiyo nel pero kahit ito pa ang nag hire sa kanya ay si chris parin ang kanyang amo rito. At saksakan ng sungit!
Hindi niya alam kung hanggang kailan nya matatagalan ang ugaling iyon ng lalaki. Hindi pa nga siya nakakapagsimula sa kanyang trabaho ay sumasama na ang loob niya,paano pa kaya kung magtagal pa siya rito.
"Andito ka lang pala,lhei"
Napatingin si lhei sa bumukas na pinto at nakita niyang nakabungad dito si tiyo nel.
" hinintay mo rin pala ako," anito.
"Hindi ho,tiyo nel. Galing na ako sa may kuwadra." Matamlay niyang saad.
"Galing ka na sa kuwadra? Bakit ka bumalik dito agad?"
"Andoon ho si chris."
" so what kung naroon si chris? Maaring masungit nga ang pamangkin kong iyon pero hindi naman siya nangangangagat ng tao, iha. " natatawang sabi ni tiyo nel sa kanya.
" E, nagalit ho siya sa akin, tiyo nel."
" bakit ?"
" itinatanong ko lang naman kung iyong itim na kabayong pinapaliguan niya ay si voltaire. Nagalit na. Binulyawan ako."
" kuu! Huwag mo nang pansinin iyon. Talaga lang ganoon kasungit si chris. Alam mo bang umalis ang katulong namin sa bahay na si guyang dahil sa kanya? At yung dalawang tauhan sa rancho na sina ton2 at don, may apat pang kasama ang mga iyon dati pero hindi nakatiis sa kasungitan ni chris. Kung hindi nga lang siya may ari nitong rancho,pinalayas ko na siya rito." Malakas n sabi ni tiyo nel pero nakatawa ito.
Alam ni lhei na nagbibiro lamang ito. Napangiti rin sya sa pagbibirong iyon ni tiyo nel kaya kahit papano ay napawi ang nadarama niyang sama ng loob.
"Kung minsan nga'y parang nagdududa ako na dahil pa sa aksidente. Kaya masungit ang pamangkin ko,baka ikako nagsisimula nang magmenopause.
Doon na natawa ng husto si lhei
. Nang tanghaling iyon ay si tiyo nel ang nadatnan ni lhei na nagluluto ng pananghalian nila sa kusina
. " tiyo nel?"
" O,lhei,may kailangan ka?"
" makikiinom lang ho sana ng tubig."
"Help yourself. Medyo busy ako ngayon kaya hindi kita maasikaso." Sabi ni tiyo nel.
Napansin ni lhei na nakasuot ito ng apron.
" kayo ho ba talaga ang nagluluto rito,tiyo nel?"
"Bakit,wala ka bang bilib sa akin, O,natatakot kang baka malason? Huwag kang mag alala,buhat noong dumating ka'y ako na ang nagluluto at wala namang nangyari sayo matapos mong kumain,di ba?"
Ngumiti si lhei dito.
"marunong naman talaga akong mangusina. Natutunan ko iyon noon tuwing magkasama kami rito ni rosa,siya ang mama ni chris. Nakababata ko namang kapatid. Nabyuda ang kapatid kong iyon noong elementary pa lamangbsi chris. Pero bago namatay ang bayaw ko na si benz ay nabili niya ang rancho na ito at ako ang ginawang tagapamahala. May bahay sila sa maynila at tuwing bakasyon ay naririto sila. Pero nang namatay si benz maski hindi bakasyon ay dumadalaw dito ang mag-ina. Lalo kaming naging close ng pamangkin ko. Dahil siguro wala akong pamilya,walang anak,at siya naman ay naghahanap ng father figure. Pero nang. Namatay ang kapatid kong si rosa, ako na ang madalas magtungo sA maynila upang gabayan ang aking pamangkin. Nasa kolehiyo pa lamang si chris noon. At kapag bakasyon ay sabay kaming umuwii rito sa san vicente. " mahabang kwento ni tiyo nel.
Napansin ni lhei na parang namamasa sa luha ang mga mata may edad na lalaki. Marahil,sapagkat naalala nito ang nakaraan.
"Sino na ho ang nakatira ngayon sa bahay ni chris sa maynila?"
"wala ,pero may nagbabantay doon,ang mag asawag sayong at balen."
Kinuha ni lhei ang pitsel na may lamang malamig na tubig sa fridge. Kumuha rin sya ng baso at nag salin ng tubig doon.
"May personal refrigerator sa clinic mo. Mamaya ay paandarin ko iyon at lalagyan ng mga laman. PARa kung nauhaw ka o nagugutum ay hindi ka na maabala pang pumasok dito sa bahay." Narinig niyang sabi ni tiyo nel.
"Salamat,ho," nakangiti niyang wika. Pero naisip niya, sana ganito rin kabait kay tiyo nel ang pamangkin nitong si chris.
"Sa darating na linggo ay pupuntahan q si sayong. BAKa sakaling mapakiusapan kong bumalik dito sa bahay. Mahirap kasing walang kasama rito.saka magpapahanap narin ako ng kasama niya para hindi na siya gaanong mahirapan dito sa bahay. Baka kasi umalis ka dito dahil hindi mo gusto ang mga pagkain."
"Hindi naman po ako masyadong maselan pagdating sa lasa ng pagkain. Lalo na ho kung gutom ako ," nakatawa niyang biro.
" sa bibig mo narin nanggaling lhei,na kumakain ka lang ng mga luto ko dahil gutom ka at walang ibang choice."
"Hindi naman ho, tiyo nel......."
"mukhang nagkatuwaan kayo "
Sabay na napalingon sila lhei at tiyo nel sa pinanggalingan ng boses at nkita nilang nakatayo si chris sa may pinto.
Magkasalubong ang mga kilay.
May kung ano'ng kabang sumilid sa dibdib ni lhei,pagkakita sa lalaki. HINdi niya alam kung dahil ba sa pangambang sungitan na naman siya nito o dahil sa excitement.
"Medyo nagkakatuwaan lang kami ni Lhei,chris. "
"Hindi ba dapat ang mga hayop dito sa rancho ang inaasikaso niya imbes na mag usisa ng kung anu-ano at makinig sa kwento ng buhay natin dito?"
Nagkatinginan sina lhei at tiyo nel. Namula sa pagkapahiya si lhei at nakita niya sa mga mata ng may edad na lalaki ang simpatiya nito sa kanya.
"E-Excuse me......kailangan ko na pong bumalik sa clinic.. " paalam niya
"Sige,iha. Mamaya nalang ulit tayo mag usap."
Tumango lang siya lay tiyo nel bago dire-diretsong lumabas sa kusina. Ni hindi niya tinapunan ng tingin si chris.
BAKIT pa? E,nuknukan naman nang sungit ang hudyong iyon! Noong magsabog yata ng kasungitan ang langit,si chris lang ang gising kaya nasalo niya lahat
!!
...................
.......
......
....Coming next 😂😂
sorry sa mga typos......
muwahhhhhhh😄😄see u, next chapter na sunod....
YOU ARE READING
DLMN: Stop Running Now
RomanceDLMN: Stop Running Now by: luckeymickao kahit gaano man kasungit,katapang, ang isang tao,we all know na may pag-asa pa na magbabago ito pagdating ng tamang oras at panahon. Kagaya ni chris GEnevia,naging bossy sa mga tauhan dahil sa sinapit na accid...