Pagdating niya sa klinika ay agad niyang inaasikaso ang pagsusuri sa mga dugong nakuha niya. Pero habang nagtatrabaho si lhei,ay lumilipad ang kanyang isipan.
Nasaan na kaya si chris?
Ano na kaya ang nangyari sa lalaking iyon? Saka, bakit ba no'n naisipang mangabayo?
siguro'y nababagot na sa buhay dito sa rancho.?
Dikawasa'y napatingin si lhei sa wall clock.
Pasado alas-onse na pala?
Iniwan niya muna ang ginagawa at nagtungo sa bahay. Nagsalang siya ng sinaing sa rice cooker at naglabas siya ng tapang baka na ipi-prito. Iyon naman ang bilin ni tiyo nel sa kanya kanina. Kapag tinanghali ito ay bahala na siyang magluto. Dahil si chris ay hindi naman maaasahang gumawa sa kusina.
Matapos niyang mag prito ay tinakpan niya ang ulam sa may ibabaw ng mesa. Ang sinalang niyang sinaing ay hindi pa init. Pero pwede naman iyong iwan habang nasa klinika siya. Mamaya na lang niya babalikan para i-unplug ang rice cooker.
Bumalik siya sa klinika. Quarter to one na no'n. Wala parin si tiyo nel at wala pa rin si chris.
Nag aalala na si lhei para kay chris. Ano na ba ang nangyari sa lalaking iyon.? Saan ba iyon nagsuot at hanngang ngayon ay hindi pa rin bumabalik?
Pero baka naman nasa may kuwadra lang ito?
Napabuntung hininga si lhei.
Nangako siya sa sarili na iiwasan niya si chris na hangga't maaari. Hindi niya na ito papansinin. In other words,wala na siyang pakialam sa lalaki.
Pero hindi siya mapakali. Hindi siya makakapag-concentrate sa kanyang trabaho hangga't hindi niya nalalaman kung nasaan na ngayon si chris.
Mabilis na lumabas ng clinic si lhei dala ang susi ng kanyang owner type jeep. Sumakay siya roon at nagtungo sa may kwadra. Kailangan niyang gamitin ang sasakyan dahil tanghaling tapat at matindi ang sikat ng araw. Hindi bale sana kung umaga. Maski libutin niya pa ang buong rancho ay okay lang.
Hindi pa siya nakakarating sa kuwadra ay nasalubong niya sina tonton.
Hinintuan niya ang dalawa.
"Don? Ton? Uuwi na kayo?"
" oho,doktora .ang bilin lang ho naman ni senyor nel ay tulungan kayo sa mga baka kanina. Tapos,nilinis narin namin ang kuwadra."
"Si chris hindi nyo ba nakita?"
"hindi pa ho siya bumabalik buhat kaninang nakasakay siya kay voltaire,doktora," sagot ni don sa kanya.
Parang may kaba nang sumilid sa dibdib ni lhei sa narinig.
"Sige,ho doktora. Mauna na kami."
"Sige ingat kayo.😊"
Sa may kuwadra parin nagtuloy si lhei. Maski galing na ro'n sina tonton at don
Nagbabasakaling siyang nakabalik na ro'n si chris pagkaalis na pagkaalis ng dalawang tauhan.
Pero wala parin siyang chris na nadatnan sa may kuwadra. Kaya nagpasya si lhei na libutin ang rancho sakay ng kanyang jeep.
ALAs -dos na ng hapon nang matanaw niya ang masukal na daan sa di kalayuan.
Kakasya naman siguro ang jeep niya sa daanng iyon kaya sinubukan niya. Baku-baku at mabato ang daanang iyon.
WAlang katao-tao.. hindi nagtagal ay nakarinig siya ng lagaslas ng tubig. Iyon ang tinunton ni lhei.
NAnlaki halos ang mga mata niya nang makita ang magagandang tanawing iyon. Hindi niya alam na may talon pa sa lugar na ito. Na ang tubig ay nalalaglag sa batis ay malinaw na malinaw.
Umibis sa sasakyan niya ai lhei. PERo hindi pa siya nakakalapit sa may batis ay narinig niya na ang daing na iyon.
Napakunot ang noo niya. Paglakad niya pa ay natanaw niya ang itim na kabayo ni chris.
Halos takbuhin niya ang naroroonan ng kabayo. PERo bago pa siya nakalapit dito ay nakita niya si chris na nakahandusay sa lupa! At namimilipit sa sakit.!
"C-chris!"
VOCÊ ESTÁ LENDO
DLMN: Stop Running Now
RomanceDLMN: Stop Running Now by: luckeymickao kahit gaano man kasungit,katapang, ang isang tao,we all know na may pag-asa pa na magbabago ito pagdating ng tamang oras at panahon. Kagaya ni chris GEnevia,naging bossy sa mga tauhan dahil sa sinapit na accid...