DLMN: 6

15 3 0
                                    

       Sabi niya sa sarili,hinding hindi na niya papansinin at kAkausapin si chris.
        BMeaning,hindi na siya magiging friendly sa lalaki. Hindi na niya ito pag aksayahan ng panahong i-approach para lang sa bandang '-huli'y mapahiya siya.

    

       Kung mag uusap man sila ng lalaki ay tungkol lang sa trabaho niya rito sa rancho ang topic. O,kaya'y puwede nang si tiyo nel na lang din ang kausapin niya tungkol dito.

 

      Hindj na siya magpapakababa.ayaw niya nang magmukhang tanga sa kakausap sa lalaki pero para naman siyang may virus na nilalayuan nito .

  Magmula sa araw,na ito, hindi na niya papangarapin na maging kaibigan c  chris genavia. Bakit? Sino ba ito? Hindi naman niya ikamatay kung hindi siya nito pansinin,di ba???

     Kinabukasan din ay kasama ni lhei si tiyo nel,sa rancho para kunan ng blood sample ang dalawampung-pitong baka. Para makasiguro sila na ang mga baka sa rancho ay healthy.  Para gatasan, para ibenta ang karne sa market. Maraming suki ang rancho genevia dahil magagandang baka ang mga alaga nito.

     Pagdating ng hapon ay sinusuri naman ni lhei ang mga blood samples na nakuha niya sa mga baka sa kanyang klinika.

    Kinabukasan ay ganoon ulit. Dalawampung baka na naman ang kinunan niya ng blood samplea. At natatapos niyang kunan ng dugo  ay tinatakan niya upang hindi madoble. Kaya pagdating ng ikatlong araw, sabado,mahigit sitentang baka na ang nakunan niya ng blood samples.

   Pagsapit ng Linggo, mag isa na lamang si lhei sa pagtatrabaho sa rancho dahil wala si tiyo nel. Pupuntahan daw niya si sayong upang pakiusapang bumalik sa malaking bahay,at tuloy ay kukuha na rin ng makakasama nito. Kaya wala ng makakasama si lhei sa pagkuha ng blood samples sa mga baka.

     Pagtungo niya sa bakahan ay nasalubong ni lhei ang dalawang tauhan sa rancho, sina tonton.

   

    "Magandang araw ho,doktora,!:)

bati ng dalawa sa kanya.

   "Magandang araw naman sa inyo,.Linggo ngayon ,ah! Bakit kayo pumasok? "

   "Nagbilin ho kasi si senyor nel na tulungan namin kayo,doktora."

   " Ganoon ba?"

  Hindi nagtagal ay kinukunan na ni lhei ng dugo ang ilang bakang nakahilera sa harapan niya. Maya maya'y may marinig siyang mabibilis na yabag ng kabayo. Papalayo sa kinaroroonan nila ang mga yabag na iyun.

    Napatingin siya kina  don at tonton.

"Sino yung nangangabayo?"

  "Si sir chris ho,doktora." Sagot ni tonton sa kanya.

   "Si chris? Siya ang nangangabayo?''maang na tanong niya kay tonton pero ang mga mata'y nakatutok sa malayo. Isang lalaki ang natanaw niyang nakasalay sa itim na kabayo.

"Oho".

"bakit nangangabayo na siya? Hindi ba't hindi pa naman magaling ang binti niya?"

   " Iyon ho ang alam namin.  Saka kapag naglalakad siya'y medyo paika-ika pa rin ho,doktora.  KAYA lang ay hindi naman ho namin siya puwedeng pagsabihan. Alam n'yo na ho,na siya ang amo rito at wala naman kaming karapatang pagsabihan siya. Kapag sininghalan niya kami ay tumatahimik na lang kami." Mahabang pahayag ni don't .

    Natigilan si lhei. Kunsabagay nga ay siya ay hindi lang naman siya ang nabibiktima ng kasungitan ni chris kundi pati na ang mga nagiging katulong nito sa bahay at sa rancho. Iyon nga lang, siya ang nangungulit sa lalaki kaya madalas siyang mapahiya.

DLMN: Stop Running NowWhere stories live. Discover now