Dali-dali niyang dinaluhan si chris. Nalimutan niyang nangako siya sa kanyang sarili na hindi na ito lalapitan at kakausapin pa. Basta't ang alam niya lang sa mga sandaling iyon ay nangangaylangan ng tulong ang lalaki.
At kailangan niya itong tulungan.
"Ano'ng nangyari sayo, chris?"
umungol si Chris
Sa tantiya ni lhei,kanina pa namimilipit sa sakit si chris. Maaring nahulog ito sa kabayo o nasipa ng kabayo.
"Chris?"
" w-what the hell do you want?" Parang inis na sabi ni Chris Napansin ni lhei na nakapikit ito na para bang takot dumilat.
O,ayaw dumilat dahil matindi ang sikat ng araw at nasisilaw ito?
" chris, ako 'to si lhei."
" God! Not you! .anyone but not you."
Napakunot ang noo ni lhei sa narinig.
"Chris,ano ba talaga ang nangyari?"
" wala kang pakialam".
"Gusto kitang tulungan,chris".
"Iwan mo na ako," inis na sabi ni chris sa kanya.
"Hindi q pwedeng gawin iyon, chris. Hindi kita puwedeng iwan dito lalo't alam kong nangangailangan ka ng tulong. "
"Then,pretend na hindi mo ako nakita dito."
"Hindi ko iyon,magagawa. Hindi kakayanin ng konsensya ko. Kung nagkapalit lang siguro tayo ng katayuan,tiyak na hindi mo ako tutulungan dahil masama ang ugali mo. Pero ako,hindi ko kayang takasan ang kapwa q kahit gaano pa ito kasungit!" Inis na sabi ni lhei.
Natigilan si chris at iyon ang sinamantala ni lhei. Hinawakan niya ang isang braso at pilit na itinatayo.
Pero matigas si chris, . Binawi nito ang braso kay lhei. Pero matigas din si lhei. Kaya kung inaakala din ni chris na magpapatalo siya rito, hindi iyon mangyayari.
Kinuha niya ulit ang braso ng lalaki.
"Ang mabuti pa'y iakbay mo ang braso mo sa balikat ko para mas madali kitang matulungang tumayo."
"I don't want to." Asik ni chris sa kanya.
"I don't care what you want!" Bulyaw naman niya sa lalaki.
Napatingin sa kanya si chris at nilabanan niya ito ng titigan.
" kung inaakala mong iiwan kita dito, then think again,chris. Hindi aq aalis sa lugar na ito nang hindi kita kasama. Now,stand up!" Sabi ni lhei saka pilit na itinatayo ang lalaki
. "Aaaaaaaaahhhh......!"
nataranta siya nang mapasigaw sa sakit ang lalaki.
"C-chris,bakit?"
"masakit ang braso ko ,pati narin ang beywang ko"
"ha?,teka...." pinilit niyang itayo ulit si chris. pero inaaalalayan niya na ang beywang nito. Kaya nga lang ay hirap na hirap siya dahil sobrang bigat nito.
"Saan mo ako dadalhin?" Tanong ni chris sa kanya.
"Don't worry. Hindi kita pipiliting maglakad ng malayo dahil may dala akong aasakyan."
"Good. Mabuti nga'ng iuwi mo na aq sa bahay."
" hindi muna kita iuwi sa bahay.
DAdalhin muna kita sa ospital o clinic para matingnan ka ng doktor. Saka lang kita iuwi pagkatapos." Aniya.
"BAkit mo pa aq dadalhin sa doktor?Eh...hindi ba't doktor ka rin naman?".
"oo,pero doktor aq sa mga hayop".
"wala namang halos pinagkaiba iyon,Doktor ka parin."
Natapik ni lhei ang sariling noo sa sinabi ng lalaki.
"Kunsabagay,ano nga naman ang pinagkaiba mo sa kabayong matigas ang ulo at mahirap suwetuhin, wala naman hindi ba?".
Dumilim ang anyo ni chris sa sinabing iyon ng dalaga at kitang kita iyon ni lhei. Pero hindi man lang siya natinag.
#Sorry po sa late update-hahahaha
#by the way, belated happy Valentine's readers..... ♥♥♥♥💑
YOU ARE READING
DLMN: Stop Running Now
RomanceDLMN: Stop Running Now by: luckeymickao kahit gaano man kasungit,katapang, ang isang tao,we all know na may pag-asa pa na magbabago ito pagdating ng tamang oras at panahon. Kagaya ni chris GEnevia,naging bossy sa mga tauhan dahil sa sinapit na accid...