Dinala niya sa kanyang klinika si chris.
"Okay,dito ka muna. Pagdating n tiyo nel mamaya ay saka ka nalang namin pagtulungang ipanhik sa iyong room. " sabi ni lhei, saka ginamot ang mga galos sa braso ni chris
Walang kibo ang lalaki. Hindi ito tumututol sa ginagawa niya pero hindi rin naman nag comment.
"Chris,ano bakit ka sumakay sa kabayo? Samantalang alam mo namang hindi ka pa pwedeng mangabayo sa kondisyon mo.?"
"Anong pakialam mo sa akin?"
"Bakit kaba galit sa mundo. Look, hindi naman permanent ang mga pinsalang nangyari sa iyo. Puwede kang maging notmal ulit gaya ng dati....."
"What are you talking about?"
" iyong tungkol sa iyo. Iyong nararamdaman mong bittetness,'yung galit. Do you want to talk about it?"
"Get the hell out of my life!"
Hindi nakakibo si Lhei. Hindi lang masungit ang lalaking ito, at talas pa ng dila!
"Sino ka ba,ha? Bakit ang dami mong gustong pakialaman?"
"I am the veterinarian here,remember? " pasarkastikong niyang sagot sa lalaki.
Pero nagulat siya nang bigla nalang siyang hawakan sa isang braso ni chris. Bumabaon sa balat niya ang mga daliri nitong animo bakal sa tigas. Gusto niyang sumigaw sa sakit na nafefeel but pinigilan niya ang sarili.
"Puwes,iyong mga baka at kabayo na lang ang pakialaman mo okay?,pero ako just leave me alone."
"Kung hindi sana kita pinakialaman,Hindi sana kita natulungan-"
"I don't need your help." Mariing sabi ni chris sa kanya saka siya nito pasalyang binitiwan.
"Okey fine." Inis niyang sagot kay chris saka nagkibit balikat.
Hindibna sila nagkibuan pa kahit na naroon sa clinic si chris, nakaupo sa may harapan niya ay ipinagpatuloy ni lhei ang pagtatrabaho.
Paminsan minsan ay sinusulyapan niya si chris sa kinauupuan nito. Ilang beses niya itong nahuling parang amuse na amuse sa ginawan niyang pagsusuri sa mga blood samples na nakuha niya sa mga baka.
Pero maya-maya'y nakita niya nalang si chris na nakaidlip na.
May awang humaplos sa puso ni lhei sa mga sandaling iyon. Alam niyang pagod na si chris. Masama ang pakiramdam at gutom. Hapon na'y hindi pa ito kumakain.
Binitiwan ni lhei ang ginagawa at nilapitan ang lalaki. Marahan niya itong tinapik sa braso.
"C-chris......?"
NAalimpungatan ang lalaki. Tumingin ito sa kanya.
"Bakit?"
"Wala pa si tiyo nel,pero hapon na. Ako nalang ang magdadala sa iyo sa kuwart mo. " malumanay niyang sabi. Saka idinugtung. "Okay lang .syo?".
Tumango ang lalaku bago napabuntung-hininga.
Inalalayan nya si chris patungo sa loob ng bahay at paakyat sa kuwarto nito. Pagdating nila sa masters bedroom ay agad niya itong inihiga sa kama at siya nalang ang nag alis sa suot nitong boots at medyas sa paa. Pero habang ginagawa niya iyon ay titig na titig sa kanya si chris.
" Ikukuha kita ng pagkain."sabi niya pagkaraan.
Tumango lang si chris.
Agad na nagtungo sa kusina si lhei
nagluto siya ng instant noodles. KAYA bukod sa kanin at tapang baka ay may dala pa siyang mainit na mami para kay chris nang bumalik siya sa silid ng lalaki.
"Heto na ang pagkain mo."
Inilapag niya ang tray na dala sa ibabaw ng mesitang naroroon at tinutulungan niyang makaupo sa kama ang lalaki nang naksandal ito sa headrest ng kama.
NAGSIMULANG kumain si chris maya maya. PERO napansin nitong nanonood roon so lhei laya biglang tumigil.
"BAbantayan mo rin ba ako sa pagkain ko?"
"HIndi. HIhintayin lang kitang matapos dahil iinom ka pa ng gamot."
"Gamot para sa hayop?".
"hindi gamot para sa tao."
Pagbalik ni lhei sa kanyang klinika ay si chris parin ang laman ng kanyang isip. hiNDi niya maintindihan ang kanyang sarili. PAGKATAPOS sIyang insultuhin at saktan ng lalaki'y lapit parin siya ng lapit dito.
NAAWA nga lang ba siya kay chris?
O,mahal niya ang lalaki?
napabuntung hininga siya sa naisip. KUng pag ibig na nga itong nararamdan niya lay chris ay tiyak na magkakaroon siya ng problema.
Si chris ay maihahantulad sa isang wild creature-kabayo o dragon...mahirap rendahan at hindi pwedeng diktahan. But a gentle maiden could tame him.
#pag nag mamahal expect na maranasan mong masaktan 🙊🙊
#geezzz!!
#keep reading 🙌🙌🙌
BINABASA MO ANG
DLMN: Stop Running Now
RomanceDLMN: Stop Running Now by: luckeymickao kahit gaano man kasungit,katapang, ang isang tao,we all know na may pag-asa pa na magbabago ito pagdating ng tamang oras at panahon. Kagaya ni chris GEnevia,naging bossy sa mga tauhan dahil sa sinapit na accid...