♥♥ This chapter was dedicated to tingtanchin. ♥♥
. "HINDI mo dapat pinapakitaan ng kagaspangan si lhei,chris. Baka mainis ang batang iyon at biglang umalis dito sa rancho."
"Hindi na bata ang isang iyon,tiyo nel."
"Okay,hindi na nga siya bata. Kaya mas lalong dapat mo siyang pakitaan ng mabuti. Kung hindi mo siya kayang igalang dahil sa propesyon niya, igalang mo naman 'yunh bata bilang tao at bilang babae."
" I told you,tiyo nel-hindi na bata ang isang iyon. Kaya nakakainis because she's acting like one. Laging nakatanghod sa kung ano'ng gagawin mo,kung ano'ng gagawin at tanong nang tanong".
" Sino ba sa inyo ang mas nagpapakita ng childishness, chris? Hindi kaya ikaw?" Ani tiyo nel.
Natigilan si chris sa sinabing iyon ng tiyuhin.
" Kapag umalis dito si lhei,mahihirapan na naman tayung maghanap ng kapalit niya. Ganoon din ng kasama rito sa bahay. Hirap na hirap na akong kumuha ng kapalit ni sayong. Kaya nga sa darating na linggo ay pupuntahan q si sayong para pakiusapang bumalik dito sa atin. Kukuha narin aq ng isa pang makakasama niya. Para naman hindi gaanong mahirapan iyong tao. At dadagdagan q narin ang.kanyang sweldo. At 'yung tungkol naman sa mga tauhan natin sa rancho. Maghahanap na rin ako ng kapalit noong apat na pinalayas mo."
" kaya naman namin nina ton2 ang trabaho sa rancho,tiyo nel. Tumutulong tulong din naman kayo kung minsan kaya-"
.. "kaya hindi na tayo maghahanap ng iba pang makatulong doon? Hindi kana nAawa kina ton2? Aba'y gabing gabi na kung makauwi sa kani kanilang pamilya at wala na silang panahon para makipaglaro sa mga anak. Nauubos ang oras nila't lakas dito sa rancho pero hindi mo naman dinagdagan ang kanilang mga sweldo." Wika ni tiyo nel.
Nagsalubong ang mga kilay ni chris sa narinig.
"Nagreklamo ba silA sa iyo. Tiyo nel" inis na tanong ni chris sa tiyuhin.
"Kung sa reklamo, hindi mo sila mariringgN ng reklamo 'yung dalawa talaga ay talagang masisipag silang mga bata at may dedikasyon sa kani-kanilang trabaho. Perp hindi naman ako manhid na katulad mo chris. Kahit hindi magsalita sa akin ang isang tao'y alam ko kubg ano ang sinasaloob nito. Okay sa iyo Ng ginagawa mong pagtulong sa rancho,dahil sa pagtatrabaho mo ibinubuhos ang galit mo sa mundo. Pero sina ton2 ay hindi mga kalabaw na puwede mong puwersahin sa pagtatrabaho. Tao sila at may hangganan ang kanilang lakas."
Hindi nakakibo si chris.
"You own this ranch,okay. Pero hindi porke ikaw ang amo,hindi kana dapat makisama sa mga taong nasasakupan mo. Hindi pwedeng ikaw lang ang dapat pakisamahan,chris. Dapat ay marunong kadin makisama sa kanila."
NAGLALAKAD-LAKAD malapit sa kuwadra si lhei nang makarinig siya ng mahinang tugtog ng gitara.
Naaliw siyang pakinggan iyon. Alam niya kung ano ang kantang iyon sa himig pa lang. Lost without your love by bread on electra.
PERo sino ang tumugtog ng gitara?
Lumapit pa siya sa pinagmumulan ng tugtog. SAKa niya nakita si chris. HAwak nito ang gitara. Marahang tumitipa habang ang mga mata ay nakatingin sa malayo.
"Mahusay ka palang maggitara."
Parang biglang nabulabog si chris pagkarinig at pagkakita sa kanya. Tumigil ito sa pagtugtog at galit na bumaling sa kanya.
"What are you doing here?"
"naglakad lakad lang."
"Pwede ba,iwan mo ako? Alam, mo,ayokong maging bastos sayo. PEro kung lagi mo akong kukusumuhin sa kalalapit mo, hindi q mapigilan ang sarili kong maging bastos sayo. Please leave me alone!"
paRANG napako sa kinatatayuan si lhei.
AT nang hindi siya tuminag ay si chris na mismo ang tumayo at lumayo sa kanya. At iniwan siya nitong nakatanga.
YOU ARE READING
DLMN: Stop Running Now
RomanceDLMN: Stop Running Now by: luckeymickao kahit gaano man kasungit,katapang, ang isang tao,we all know na may pag-asa pa na magbabago ito pagdating ng tamang oras at panahon. Kagaya ni chris GEnevia,naging bossy sa mga tauhan dahil sa sinapit na accid...