continuation!

21 2 0
                                    

   Nang maiwan sina lhei at tiyo nel sa salas ay agad na napaupo ang huli sa mahabang sofa.

   "Hay,nakakapagod ang magbiyahe."

  "Malayo ho ba ang pinuntahan n'yo tiyo nel?" Usisa niya.

  "Hindi naman gaano. Sa kabilang baryo lang nakatira sina sayong pero katakut-takot na pakiusapan muna ang ginawa ko bago ko napapayag na bumalik dito sa bahay. Mapagkakatiwalaan naman kasi siya at masipag kaya hindi ako nag dadalawang isip na kunin ulit siya rito sa bahay. Tapos,kinausap ko pa rin ang mga magulang ni janices.  Malapit lang ang bahay non kay sayong pero hinintay pa naming dumating ang kanyang mga magulang. Pinuntahan ko narin yung dating tauhan namin sa rancho. Iyong tatlo'y napakiusapan ko ring bumalik pero iyong isa'y may trabaho na ngayon." Kwento ni tiyo nel

  "Kumain na ho ba kayo?"

  "Oo,noong tanghali ay kina sayong na ako kumain at nang hapunan ay may nadaanan kaming kainan habang pauwi rito.  Doon na kami naghapunan."

tumango-tango si lhei

"E,si chris?"

"n-natulog na ho yata sa kwarto niya",

"ikaw ang nagluto, hindi ba?"

"Oho,kumain naman ho siya!".

"Nag usap ba naman kayo?"

   Nag blush si lhei sa pagtatanong na iyon ni tiyo nel dahil hindi lang pag uusap ang namagitan sa kanila ni chris ----may kiss pa siya nito!

   "Lhei? Ba't bigla kang nawalan ng kibo?":sinungitan ka na naman ba ng pamangkin ko?"

  "H-hindi ho,tiyo nel. Ang totoo at nag kausap kami kanina at medyo mabait na ho siya sa akin....."

  "Talaga?"

Nakangiti siyang tumango sa may edad na lalaki.

  "Mas mainam pala na naiiwan kayo rito na dalawa,ano? Sa susunod na ay pagplanuhin ko ulit ang ganito." Tila nanunudyong sabi ni tiyo nel sa kanya.

Muli ay namula ang mukha ni lhei dahil sa panunuksong iyon ni tiyo nel

. "Siya nga pala ,iha,pasensya kana kung ikaw ang nagluto. Hindi na kasali iyon sa trabaho mo rito sa rancho."

  "Okey,lang ho iyon tiyo nel. Walang problema."sabi niyang nakangiti.

   "Pero,talagang mabait na sa iyo si chris,ha?" Wika ni tiyo nel habang hinimas-himas pa nito ang sariling baba.

  "Ano ang ginawa mo?"

NAgkibit ng balikat si lhei.

"Good night, tiyo nel." Pilya niyang sabi saka mabilis na tumindig at pumanhik sa kanyang silid!.

"Ano kayang secret na ginawa ng batang iyon na napaamo ang patong masakit sa ulo?" Tanong ni tiyo nel sa sarili habang nakatingin sa kisame at himas-himas ang sariling noo.:)







#boto ata si Tito neo Kay Lhei😊

DLMN: Stop Running NowDonde viven las historias. Descúbrelo ahora