DLMN:8

21 2 0
                                    

    PADILIM na nang bumalik siya sa kwarto ni chris.

   Kumatok siya ng mahina sa pinto at pagkaraan ay marahan niyang itinulak ang pinakadahon niyon.

    Hindi niya inasahang gising si chris at parang hinihintay lang siya nitong pumasok. Kaya nang makita siya nito ay tuluyan na siyang pumasok sa silid ng lalaki kahit nag aatubili siya.

   "G-Gusto ko lang sanang kumustahin kung okey ka na?"

  "Oo".

  "Lalabas na ulit ako. Magluluto lang ako dahil wala pa rin si tiyo nel." Paalam niya sa lalaki saka mabilis na tumalikod.

  "Lor......"

Natigilan si lhei sa narinig na itinawag sa kanya ng lalaki.

LOR??

    Hindi lhei.? Ngayon lang may tumawag sa kanya ng ganoon. Ang malalapit niyang kaibigan ay iisa ang tawag sa kanya. Ang ate naman niya at iba pang kapatid ay lorie ang tawag sa kanya. Pero iyong lor,parang ang sarap-sarap no'n pakinggan.

  Lalo pa't si chris ang sumasambit .

MUli niya itong nilingon. Pero nakapagtatakang hindi na niya kayang lumaban ng tingin sa mga mata ng lalaki.,matapos malamang mataman itong nakatitig sa kanya.

   "B-Bakit? "

   "Nasaktan ba kita kanina?"

  Naalala niyang bigla ang ginawa ni chris sa braso niya. Nakalimutan niya ang tubgkol do'n pero ngayon ay nararamdaman niyang masakit ito.

   "H-Hindi.  Hindi naman, " pagkakaila niya.

  "Pasensya kana."

  "It's okey."

Paglabas ni lhie sa silid ng lalaki ay saka lang siya nakahinga ng maluwag. Pero ang bilis bilis parin ng tibok ng kanyang baby heart. Na para bang nakikipag -karerahan iyon.

  Siguro nga talagang mahal na niya si chris. (Pero ang bilis naman ata ). Noong una pa man niya itong makita ay na love at first sight na siya sa lalaki o in short in love na siya. Hindi awa ang nararamdaman niya kay chris kundi pagmamahal.;)

   Kaya kahit lagi siyang pinagtabuyan ng lalaki,pinagsusungitan at pinapahiya ay lapit pa rin siya ng lapit dito. Hindi pa rin niya matiis si chris.

   Alam niyang napakasakit at napakahirap ng mangyari kay chris. Gusto niya itong tulungan o gamutin sa kanyang pag -ibig. Turuan ang lalaki na magpatawad at lumimot sa mapait na nangyari rito.

  Pero paano niya iyong gagawin kung laging umiiwas si chris?

Dumiretso sa kusina si lhei at nagsimulang magluto ng hapunan nila. Nagsalang na agad siya ng sinaing sa rice cooker at naghagilap sa loob ng fridge ng maaari niyang iluto.

  Nakakita siya ng gulay doon; carrots,repolyo,etc. Walang baboy na pangsahog pero merong manok. Niluto niya ang mga gulay at nagprito ng daing na bangus.

  Pagkatapos niyang magluto ay nagdala siya ng pagkain para kay chris.

  Pero ganoon na lang ang pagtataka niya nang hindi niya madatnan si chris sa kuwarto nito

"Chris?" tawag ni lhei sa lalaki.

Inilapag niya ang dalang tray sa ibabaw ng side table.

"C-Chris? Chris...... Where are you?" Nagtungo siya sa kinaroroonan ng banyo. Muntik pa siyang mapalundag ng biglang bumukas ang pinto niyon

  "Bakit?"

  "Chris!"

  "Para kang nakakita ng multo."

"Ang akala ko kasi..... paano ka nakapunta sa banyo?"

"I crawled. "

Sumimangot si lhei sa narinig .Bagay na hindi nalingid kay chris.

   "Naglakad aq syempre."

   "ALAM kong naglakad ka para makapunta sa banyo pero paano mo ginawa? E,hindi ba't Hindi ka halos makatayo kanina?"

    "Nakalimutan mo bang binigyan mo aq ng mga gamot kanina?yung isa yata ay pain reliever......"

   NAtapik ni lhei ang sariling noo.








TO be continued.

  

DLMN: Stop Running NowTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang