" Sa kotse. Galing sila sa party ni Jenniffer. Nabangga sila ng isa pang kotse na ang nag mamaneho ay nakikipagkarera sa kanyang mga kabarkada . Sa ospital na namatay si jennifer pagkaraan ng dalawang oras na pakikipaglaban sa kamatayan.
Si chris ay halos isang linggo sa Intensive Care Unit. Nang ilabas siya sa ICU ay mahigit isang linggo pa rin ang itinagal niya sa ospital. Napasukan ng bubog ang isa nyang mata kaya medyo lumabo iyon.
May pag -asa pa rin naman daw bumalik sa dati ang kanyang paningin sa pamamagitan ng operasyon. Ang mukha naman niyang nagtamo ng malaking pinsala ay sasailalim sa isang reconstructive surgery upang maibalik sa dati......"
" E, ang mga binti niya ho? "
" Isang binti lang naman ang naapektuhan kay chris. May bakal na sumusuporta roon at susunod na buwan ay aalisin na ang bakal na iyon. " Tugod ni tiyo nel kay lhei.
"Iyon hong nakabangga kina chris....ano ho ang nangyari sa taong iyon?"
' Isa siyang 18 years old na college student. Anak- mahirap pero napasama sa isang barkada na pulos mayayaman. Ang kotseng minamaneho niya ay hindi sa kanya kundi sa isa nilang barkada. Bago pa lang siyang natututong magmaneho, nagpag -alaman ko,at wala syang lisensya. "
"Walang lisensya?"
marahang tumango si tiyo nel sa kanya.
" nagsampa ng kaso si chris laban sa batang iyon, kay aldrin, sa kabila ng pakiusap at pagmamakaawa ng mga magulang nito at mga kapatid. Nakakaawa rin naman ai aldrin at ang pamilya nito pero hindi q masisisi ang pamangkin q kung magmatigas sya. Hindi biro ang nangyari sa kanya. "
Parang nakaramdam ng lungkot si lhei sa narinig na kwento ni tiyo nel sa kanya. Kaya lang hindi niya alam kung kanino siya ngayon naaawa - kung kay aldrin ba at sa pamilya nito o kay chris.
(Kanino nga ba talaga lhei,? ?)
PAGBALIK nila sa mansyon ay nagtungo sila sa may gilid nito,sa malapit sa beranda. May isang nakapanid na pinto roon. May susing inilabas si tiyo nel at isinuksok iyon sa key holder, pagkaraa'y pinihit nito ang doornob at bahagyang itinulak anv pinto.
Siya ang pinauna ni tiyo nel na pumasok sa loob.
Isa iyong klinika
"Ito ang magiging klinik ko tiyo nel? Tanong niya rito nang hindi tumitingin dahil abala siya sa pagtingin sa kanyang paligid.
Pero nang hindi sumagot si tiyo nel ay saka napatingin si lhei sa may edad na lalaki. Saka niya nakitang tumango ito.
"Oo,ito nga ang magiging clinic mo,lhei. Nagustuhan mo ba?"
"Oho,tiyo nel. Maganda saka mukhang presko.:)" aniya.
Hindi naman sila nagtagal sa loob ng clinic. Lumabas din sila upang magtungo namn sa kuwadra ng mga horse.
Paglabas nila sa klinik ay nakita nilang paalis si chris.
" saan ho siya pupunta ,tiyo nel?"
'sa kuwadra siguro.. Doon siya madalas magtungo tuwing umaga. Araw-araw niyang binibisita ang kabayo niyang si voltaire . "
"voltaire ?" Ang gandang pangalan para sa isang kabayo." Nakangiti niyang sabi.
Patungo na sana sila ni tiyo nel sa may kwadra nang marinig nilang nag ring ang telepono sa loob ng bahay.
" teka,hintayin mo ako rito at sasagutin q muna 'yung tawag sa telepono."
"Mauna na lang ho ako sa inyo sa kuwadra,tiyo nel. Andoon naman si chris. Hintayin q na lang kayo roon."
"Cge,ikaw ang bahala."
PAGDATING sa may kuwadra ay nadatnan ni lhei na pinapaliguan ni chris ang isang itim na kabayo.
" siya ba si voltaire? " tanong nya pagkalapit dito.
Saglit na tumingin sa kanya si chris pero hindi ito sumagot. Sa halip ay ipinagpatuloy na lang ang ginagawa at hindi na siya pinansin pa........
#geeeZ. Ang sungit nya😱
YOU ARE READING
DLMN: Stop Running Now
RomanceDLMN: Stop Running Now by: luckeymickao kahit gaano man kasungit,katapang, ang isang tao,we all know na may pag-asa pa na magbabago ito pagdating ng tamang oras at panahon. Kagaya ni chris GEnevia,naging bossy sa mga tauhan dahil sa sinapit na accid...