Getting Over You: Where Do Broken Hearts Go
[A/N]
After asdfghjkl123456789 years hoooray makakakapag-update na rin. Sorry mga beh hirap ng signal sa kweba e. Pheeazzeee phoowzzs. Jeje.lels
Kung gusto mo panoorin ang "That Thing Called Tadhana" pwes alis ka muna kung ayaw mo ng spoiler. tsupi tsupi. de joke lang. Basta kung gusto mo panoorin promise huwag mo muna itong basahin. Spoiler at sandamakmak na pagsisisi ang mararamdaman mo kapag binasa mo 'to bago pinanood ang movie pero kung trip mo rin naman palag palag na ano magagawa ko ginusto mo yan?
"Where do broken hearts go nga ba talaga?"
Last Sunday, I've got a chance to watch 'That Thing Called Tadhana' and I swear everything is so effin' true. Hugot kung hugot. Tagos hanggang bone marrow ang bawat linya beh.
Relate na relate e gusto ng sumabog ng tear ducts ko kakapigil parang sinasampal ako ng bawat eksena.
The story of course started with "a boy meets girl scenario". It was a very funny scene between two strangers named Mace played by Angelica Panganiban and Anthony played by the oh-so-hot-so-yummy JM de Guzman who met in an airport in Italy.
Their journey of finding ways to mend a broken heart started the day they've arrived back here in the Philippines.
Both professionals of their field with little time and chance to find themselves but still decided to travel together.
Two strangers with different backgrounds, different life, different story but experiencing and having the same pain.
Hugot Line Starts now...
1. "Bakit ba kayong mga mapeperang mga babae, ang hilig n'yong hinahanap ang sarili n'yo sa Baguio? Ba't ba Baguio? Hindi ba pwedeng sa inuman na lang?" -Anthony
Bakit nga ba Baguio? I also went to Baguio when I was heart broken, it's 135 miles and an eight hour ride from home but honestly I don't know the reason why I went there. All I know back then is just that I want to be alone and away from anyone who knows me. Ayoko na makita nila na mahina ako. Ayoko na makita nilang nasasaktan ako. Ayoko na may naaawa sa'kin.
I went alone.
Away from everything.
Away from the one who hurt me.
I was alone but with a heavy heart and that excruciating pain inside me. Hoping the cold temperature in Baguio could numb my heart even for a while. Numb my heart to stop it from hurting and to stop it from feeling anything. I was tired of being rejected, tired of crying and asking someone to love me back.
"Hindi ba pwedeng sa inuman na lang?"
Some simply cannot handle reality, so nightlife and increase alcohol consumption to drown sorrows is basically an escape. Alcohol can be a temporary fix, but it cannot totally heal a broken heart. It can rid all the pain "temporarily" but it can prolong the damage.
If you want to know more about the risk of alcohol consumption during heart break read the entries in this story entitled "Break up Behavior" and "Get over a break up faster or better".
2. "Alam mo 'yung sinabi ni F. Scott Fitzgerald? There are all kinds of love in this world, but never the same love twice." -Anthony
Na-experience mo na bang masabi sa sarili mo na "Siya na talaga." Iyong tipong may yakap pa na unan at pagulong gulong pa sa higaan. We all have that one great love, that one great love na minahal, inalagaaan, pinag-alayan ng puso, kaluluwa, bituka, apdo, lamang loob at lahat lahat na. That one great love na ipaparamdam sa'tin ang kahulugan ng pagmamahal. That one great love who chose to hurt and leave us. That one love na kinakalimutan na natin ngayon. Oo marahil hindi na maaaring ibalik ang kilig at love story pero hindi 'yun ibig sabihin na hindi na tayo muling makakaramdam ng pagmamahal at kasiyahan sa buhay.
3. "Gaano katagal bago mo siya nakalimutan?" -Mace
Gaano ba talaga katagal makalimot? 2 years? 5 years? 10 years? Ano ba talaga ang kailangan gawin ng isang taong naiwan para makalimot? Walang gamot na pwedeng inumin para madaling makalimot. Kung mayroon lang edi sana hindi mo 'to binabasa ngayon. Peace. Gaano katagal bago tuluyan mawala ang lahat ng sakit? Honestly, hindi ko rin alam pero sabi nga ni Anthony "Importante pa ba 'yun? Ang mahalaga, nakalimutan."
4. "Hindi. Na. Kita. Mahal. Makakaalis. Ka. Na. Seven words. 'Yung 8 years namin, kinaya niyang tapusin in 7 words." -Mace
Sa tagal ba talaga ng samahan nasusukat ang pagmamahal? Posible pala talagang tumagal ang relasyon kahit hindi ikaw ang nakikita niya na kasama sa future. Kesyo 8 years, 8 months o 8 days man 'yan kung hindi ka na mahal hindi ka na mahal.
5. "Hindi ka na niya mahal. Yun na yon. Ano 'di malinaw 'don?" -Anthony
"Tang ina naman, sabihin naman niya kung bakit" -Mace
"Bakit, kapag sinabi ba niya kung bakit, may magbabago? Ang bottomline, hindi ka niya mahal." -Anthony
When relationships end, those who are left behind always ask the question, "why?". Bakit nga ba? Pero sa kabilang banda handa ka ba talagang malaman ang rason? Handa ka bang malaman kung bakit 'di ka na mahal at piniling iwan ka?
Hindi ka na mahal. Parang ganoon lang no? HINDI KA NA MAHAL.
TANGINA MASAKIT 'YON!
Hindi 'yon isang bagay na makakalimutan mo magdamag. Pwede ka umiyak, magwala, manapak, tumambling choice mo kung paano mo tatanggapin na HINDI KA NA MAHAL. Na sa iyo kung aalamin mo ang rason o pipiliin mo na hanapin na lang ang sarili mo.
Ikaw ang may hawak ng buhay mo. Iniwan ka e ano ngayon? Nasaktan ka? Normal 'yan nagmahal ka e pero hindi dapat tumigil. Hindi dapat doon lang matatapos ang buhay mo. Hindi lang sa taong HINDI KA MAHAL matatapos ang lahat. Hindi ba dapat maging masaya ka dahil inilayo ka sa taong hindi makita ang halaga ng isang taong katulad mo.
Malay mo nasa airport din ang nakalaan para sa'yo. Minsan nasa harapan mo na hindi mo lang makita dahil natatakpan ng luha ang mga mga mata mo dahil lang sa pag-iyak sa maling tao.
Hindi ka man maniwala sa "That thing called TADHANA" darating ang panahon na muli kang magmamahal at muli kang makakaramdam ng pagmamahal. Pagmamahal sa taong nakalaan at magmamahal sa'yo ng katulad o higit pa sa pagmamahal na kaya mong ibigay.
Oh well that's life. Hindi man happy ending ang lahat ng bagay still we have the power to make a better ending.
"Where do broken hearts go nga ba talaga?"
Ikaw beh saan ka pupunta to mend your broken heart?
Baguio?
Baler?
Tagaytay?
Sulu?
Basta ako sa kusina gutom na ko e. Sige hanggang dito na lang mga beh. Sa susunod na kabanata na lang.
Ano ba 'teh? Anong petsa na move on na.
Makibaka. Huwag matakot. Char.
xoxo
PS
Mobile update lang ito. Kung may typo o grammatical error palag palag lang. K. Bye
BINABASA MO ANG
Getting Over You [On Going]
HumorWhat I'll be posting about are random things when it comes to a relationship. This will not be a "story" it will contain tips, short stories, excerpts, advises and everything related on mending a broken heart and getting over someone. I am no love...