Getting Over You: Get over a breakup faster or better?

235 8 5
                                    

Get over a breakup faster or better?

© 2014 PinkKitten 

What will you choose: to get over a break up faster or better?

 “Bakit ang bilis naman niya nakahanap ng kapalit?”

“Bakit may bago na siya agad?”

“Bakit nakapag-move on na siya?”

Pamilyar ba?

Siguro hindi ko na rin mabilang kung ilang beses ko na nasabi ang mga lintanya na ‘yan.

Bakit nga ba?

Bakit nga ba ang bilis makahanap ng mga taong nang-iiwan ng kapalit?

Hindi ba talaga nila tayo minahal?

Ganoon ba tayo kadali palitan?

Ganoon na lang ba talaga ‘yon?

Kung sino ba talaga ang matagal maka-move on siya ang nagmahal ng totoo?

Sa unang linggo ng break up

Si boy, magtatawag ‘yan ng tropa, “Tara inom tayo.” 

Si girl, magtetext kay bestfriend, “Bestie, I need you.”

See the difference?

Si boy nagtawag ng tropa siyempre para mawala rin ang sakit na nararamdaman niya. Alak, sigarilyo, tawanan ng tropa, trippings ‘yan ang kalimitang scenario para makalimutan si girl.

Si girl pinuntahan ni bestfriend, nag-usap ng masinsinan, umiyak, humagulgol, tumambling, nagbigayan ng payo tapos kumain. Ganyan ang gawain ng babae, kumain ng kumain kapag sugat ang puso.

Hindi nakakabuti ang alak sa taong heartbroken mga bebe. Maging sanhi pa yan ng mas grabeng problema. Simpleng usap sa pinagkakatiwalaan na kaibigan solve na mailabas mo lang ang bigat na nararamdaman mo tapos balik sa proseso ng pag-move on. 

Trippings + alak = It’s a big No. No. 

Hindi nailalabas yung sakit na nararamdaman sa pag-inom ng alak, may mga taong hindi kayang magsabi ng problema tapos idadahilan na kapag naka-inom lang sila nakakapagsabi ng nararamdaman nila. Bakit? May instant speaker ba ang alak? E di’ba habang nalalango ka mas mataas ang tendency na hindi magiging maayos ang usapan. Minsan naman sasabihin lang na “Ok lang ako mga ‘pre! Ienjoy lang. Psssh babae lang ‘yon!” Eh bakit ka naglalaklak kung babae lang pala ‘yon? E’di sana pumirmi ka na lang sa bahay niyo kung babae lang ‘yon at kahit kailan huwag na huwag mo iaaddress na “Babae lang ‘yon.” Nanay mo babae, Lola mo babae, Ate o kapatid mo babae, kaya alam ko na hindi mo magugustuhan kung sasabihin ng ibang tao na “Babae lang sila!.” take note of that ha. 

Maraming bad effects ang pag-inom ng alak kapag heartbroken, sugatan na nga puso mo pati atay mo idadamay mo pa. Isama mo na rin ‘yang bulsa mo dahil ikaw nagyaya e malamang ikaw ang taya. 

Sa pag-inom inom na rin ‘yan napapadali ang buhay, sa kagustuhan sumaya kung ano anong trip ang ginagawa may tropa ako noon humihiga sa kalye, paano kung may sumulpot na U.F.O tapos bagsakan siya doon, tapos nag-attempt na tumalon sa Guadalupe Bridge nung una pinipigilan namin sigaw pa ng sigaw ng kung ano ano na si Kokey lang yata nakaintindi sobrang lango e tapos iyak ng iyak hinahayaan lang namin umiyak sugatan ang puso e tapos nag-attempt ulit tumalon ayon binuhat na nung iba naming tropa para itapon na lang siya tapos naghuhumiyaw na ayaw pa raw niya mamatay o di’ba ungas. 

Mas madaling maka-move on ang (karamihan) lalaki dahil ayaw nila ipakita na nasasaktan sila kaya naghahanap sila ng kapalit pero maniwala ka kahit makahanap sila ng kapalit hindi ‘yon nagtatagal. Bakit? Dahil walang getting-to-know-each-other stage. Ang ending isang Maria na naman ang nasaktan. 

Another difference ng lalaki at babae when it comes to break up, ang mga lalaki “ayaw” magsimula ulit samantalang ang mga babae “natatakot” na magsimula ulit.

‘Yan ang weakness ng (karamihan) lalaki “ayaw” nilang nagsisimula ulit. Pagkatapos ng break up titingin sa ibang babae para makahanap ng panibagong pag-ibig pero ang tanong pag-ibig nga ba? Yung “getting-to-know-each-other stage” a.k.a “dating stage” nawawalan na ng pansin.  Grab agad ng grab. Paano kung aswang o bampira? Paano kung may STD pala yung next target mo edi deads ka. Hinay hinay. Alamin at kilalanin ang magiging bagong pag-ibig. Proseso ang pag-move on bebe. Hindi matatawag na pagmomove on ang pagsisimula sa piling ng iba habang may sugat ka pa sa puso mo. Hintayin mo gumaling tapos ayun gora ka na. 

 ‘Yan din ang weakness ng mga babae “natatakot” na magsimula ulit dahil nag-hold on pa sa past. Ano ba ‘teh! Ayaw na nga sa’yo! Magdildil tayo ng asin tapos lagay natin sa freshly cut heart mo para maramdaman mo na yung sakit ng bonggang bongga yung tipong mapapasigaw ka na “Shems ayoko na titigilan ko na ‘tong pagmumukmok ang sakit ng asin sa heart. EMERGED!” Kaartehan nito imbes na mag-focus sa pag-move on pinapapangit ang sarili kakaisip at kakamukmok. Huwag ganun bebe ah nakakapangit ang stress. Tignan mo ko ang pangit, choz! Minsan naman nagiging paranoid na lahat ng lalaki manloloko at sasaktan lang sila. Huwag ganun bebe. Hindi lahat ng lalaki manloloko isipin mo Tatay mo lalaki, Lolo mo lalaki, Kuya mo lalaki pero hindi mo gugustuhin na masabihan sila ng manloloko diba? Huwag ganun bebe. 

Ano nga ba ang mas matimbang to get over a break up faster or better?

Get over a break up faster.

Good:

New love.

New Girlfriend.

New experience.

Bad:

No foundation.

No healing process.

No commitment.

Get over a break up better.

You learn from your mistakes.

You have time to heal.

You have time to rebuild confidence.

You improve your strength from being on your own.

Men seem to get over a breakup faster than women but women handles breakup better than men.

Kung ako ang tatanungin I choose to get over a break up BETTER.

Ikaw bebe, what will you choose: to get over a break up faster or better?

Share mo sa akin.

Comment or PM/DM me.

‘Till next.

xoxo

Getting Over You [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon