Getting Over You: Love Conquers All

85 3 0
                                    

Getting Over You: Love Conquers All

© 2014 PinkKitten 

We've all heard that "love conquers all."

But is this really true?

I “used” to believe that love is capable of overcoming all obstacles such as personal issues and incompatibilities but everything changed when I suffered the excruciating pain of my worst breakup. I learned that “Love” alone can't save a relationship. I felt like I have to learn about men, love, sex and relationships the hard way.

Almost six years of being together but he left me just like that. Six years na nagmahal ako ng totoo at ibinigay ko ang lahat ng kaya ko pero sa ilang buwan lang pagkatapos niya umalis all of a sudden nakatanggap ako ng email na nakipaghiwalay na siya sa akin. OO. Nakipaghiwalay hindi niya na kasi nahintay ang sagot ko. Can you imagine the pain I was once suffering?

The entire years na magkasama kami I thought love is more important than anything but I was wrong. Nang umalis siya ang pagmamahal at mga pangako lang niya ang pinanghawakan ko. Mahirap ang komunikasyon sa barko pero naghintay ako, umasa ako kasi ganoon naman kapag nagmamahal di’ba. Naghintay ako at patuloy na umasa kasi may pinanghahawakan ako, naniwala ako na babalik siya at sa pagbalik niya mahal pa rin niya ko. Sa huli hindi rin ‘yon ang nangyari umalis siya, bumalik pero hindi na sa akin.

Kahit iniwan at iniwasan niya ko pinilit ko na makausap siya. Mahal ko e. Pinilit ko malaman ‘yong dahilan. Pinilit ko alamin ‘yong  problema kasi kung may mali kung may hindi siya gusto kaya ko naman magbago. Anim na taon nagawa kong isalba ‘yong relasyon namin kaya kahit magmakaawa ako ginawa ko. MAHAL KO E.

Bilang babae responsibility natin na alagaan ang mga taong mahal natin, most of the time tayo ang gumawa ng paraan para isalba ang relasyon. Halos anim na taon pinilit namin na ayusin ang lahat ng issue sa relasyon namin. We truly loved each other, alam ko ‘yon at ramdam ko ‘yon. Masasabi ko na nandoon ang pagmamahal. Nangako kami na gagawin ang lahat dahil if we work hard enough we should be able to save our relationship para sa forever na ipinangako namin.

Sa loob ng maraming taon sinadya ko na maging bulag, bingi at pipi sa relasyon namin. Bulag sa mga nakikita ko na kamalian at difference naming dalawa. Lagi ko kasing iniisip na siguro sa paglipas ng panahon matututo rin kaming dalawa na mag-adjust. Bingi kasi hindi ko sinanay ang sarili ko na makinig sa payo ng iba, sa kaniya lang ako nakinig, sa kaniya lang ako naniwala. Pipi kasi hindi ko nagawang magsabi sa mga maling nakikita ko dahil ayoko siyang masaktan. Ayoko na isipin niya na may hinahanap ako at may iba pa akong gusto.

Naniwala ako na sapat ang pagmamahalan namin. Naniwala ako na kaya naming patunayan na love conquers all even distance. Sabi nila test of love lang ang distance so obviously nag-fail kami. I believed that love provides the reason to keep going when all else fails because if you love someone enough, you can deal with any problems that may come up but it seems not for the two of us.

Na-realize ko na hindi talaga one way street ang love. Hindi din dapat nagtitiis sa one-sided love. May pinapaboran ang salitang “forever”. Hindi para sa mga weak na kagaya namin. Maybe that time hindi lang ang relationship namin ang kailangan mag-grow pati na rin kaming dalawa as an individual pero sa naging sitwasyon namin growing include ending the relationship.

Hindi dapat isa lang ang gumagawa ng paraan para maayos ang lahat. Ika ‘nga it takes two to tango. Hindi kailangan magmukhang tanga. Hindi kailangan na ibaba ang sarili. Kung mag-isa ka na lang na lumalaban at gumagawa ng solusyon might as well end it kesa ikaw ang maiwan sa huli na sumalo lahat ng bala. Hindi sa lahat ng panahon dapat tayong lumaban lalo na kung mag-isa na lang tayong sumasalo ng bawat bala at umiinda ng lahat ng sakit. When someone’s not happy in your happiness it probably means that it's only you in the relationship.

I realized that I deserve to have the life I want, the life that brings me joy. I’m tired compromising my God-given right to happiness. I've built myself up to this date to get a great life and a great career.   I still believe in love as a powerful element to the success of a long term relationship but sometimes love just ain’t enough to conquer all.

[A/N]

You can share with me your own stories of heartache and pain.

 ‘Till next.

xoxo

Getting Over You [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon