Getting Over You: Babalikan Mo Rin Ako

110 1 0
                                    

Getting Over You: Babalikan Mo Rin Ako

© 2014 PinkKitten 

“Babalikan mo rin ako…”

Nasabi mo rin ba ito? Naalala mo pa kung kailan mo huling nasabi sa sarili mo na babalikan ka rin niya?

Umaasa ka pa rin na babalikan ka? Hindi naman masama ang umasa pero hanggang kailan? Hanggang saan ka dadalhin ng pag-asa na ‘yan?

Normal ang masaktan, maghintay, at umasa. Nangyari ang break-up hindi para masaktan ka at umiyak ito ay para ilayo ka sa taong inaakala mong tama. Iniwan ka na para saan at babalik pa? E ‘di sana hindi ka na lang iniwan di’ba? 

Ibinigay ng buong-buo ang pagmamahal hindi man lamang nasuklian. Nagmahal ng sobra  pero hindi pa rin sapat, nakipaghiwalay para maghanap ng iba pero dahil wala ng mahanap biglang babalik. Babalik sa panahon na natanggap mo na ang lahat. Panahon na nakalimot ka na sa lahat ng sakit ng nakaraan.

Maliit lang ang mundo at masyadong masikip para sa dalawang tao na may nakaraan. “TADHANA” ang maglalapit sa inyong dalawa. Magkikita at magkikita pero hindi ‘yon paraan para bigyan mo siya ng dahilan na isipin na kahit ano mang oras na nais ka niyang balikan ay magagawa niya. Girl, wake up. Hindi ka basahan na pagkatapos gamitin itatapon na lang kapag nakitang malinis ay pupulutin ulit at gagamitin. C’mon hindi tayo pinalaki ng mga magulang natin para saktan ng ibang tao. Minahal at inalagaan ka ng nanay mo, ginawa kang prinsesa ng tatay mo pero magtitiis ka ng ganyan lang? Nasaan ang self-worth mo? Nasaan ang respeto at pagmamahal sa sarili mo? 

Kung may pag-asa pa GO! Maghintay patuloy na umibig at umasa pero kung wala na huwag na’ng ipilit. Kapag pinilit mo ang sarili mo sa taong ayaw na sayo pareho lang kayong masasaktan. Huwag mo lang isipin ang sarili mo ang lagay masaya ka pero siya hindi na. 

Ikinatatakot mo na harapin ang katotohanan at pipiliin mo manatili sa sitwasyon na ikaw na lang ang nagmamahal dahil ayaw mong masaktan at maiwan. Sa ginagawa mong iyan ikaw ang higit na mahihirapan at masasaktan. Nagmamahal ka sa taong hindi kayang masuklian ang pagmamahal mo, taong hindi kayang maging totoo sa iyo. Sa ganitong paraan ipinagkakait mo ang kalayaan ng isang tao na maging masaya maging ang sarili mong kasiyahan ipinagkait mo sa sarili mo. Hindi dahil uso ang affair at pagpapakatanga makikiuso ka na lang. Kapag sinabing ayaw na, ayaw na, kapag tama na, tama na dahil sa relasyon dalawa ang nagmamahalan at gumagawa ng desisyon hindi lang isa. Do not settle sa isang bagay at sitwasyon na hindi mo deserve. Hindi ka na mahal? Panahon lang ang kailangan para matanggap mo ‘yan. Hahayaan mo na lang na niloloko ka? Hahayaan mo na lang na ginagago ka? Para saan? Sa pagmamahal na hindi man lang sa’yo maibigay ng may respeto?

Tandaan mo lang parati ang pinakamabentang status/post ng mga sawi sa facebook:

“Kapag pinilit mo ang sarili mo sa taong ayaw na sayo para kang namangka sa KALSADA. Hindi ka na nga umusad MUKHA KA PANG TANGA!”

Hanggang dito na lang muna. Click the Youtube link for Nikki Gil’s interpretation of Babalikan Mo Rin Ako composed by Soc Villanueva na kasama sa PHILPOP 2014 Top 12 Finalists. Lyrics kasunod nito. Mwah!

Enjoy and ASA pa more. ^____^ v

----

Babalikan Mo Rin Ako

Composed by: Soc Villanueva

Interpreted by: Nikki Gil

PHILPOP 2014 Top 12 Finalists

Nagpapaalam ka na naman

Muli mo akong iiwan

Dahil ba nakita ka

Na may ibang kasama kagabi

Sa isang iglap ako’y mag-iisa muli

Paulit-ulit kang nangako

At papalit-palit ang puso

Di ba’t sabi mo noon ay di ka na uulit, ako lang

Di ko maintindihan kung ano ang kulang

Babalikan mo rin ako

Dahil ako lamang ang nagbigay ng nagbigay

Babalikan mo rin ako

Dahil tinuring kang higit sa aking buhay

Babalikan mo rin ako

Dahil ako lamang ang nagmahal ng tunay

Babalikan mo rin ako

Dahil alam mo na nandito lang ako

Paikot-ikot lang ang kwento

Dahilan na pare-pareho

Minahal ka ng tapat

Sa puso ko ay walang iba ikaw lamang

Kay gandang mga pangarap ay biglang nasayang

Babalikan mo rin ako

Dahil ako lamang ang nagbigay ng nagbigay

Babalikan mo rin ako

Dahil tinuring kang higit sa aking buhay

Babalikan mo rin ako

Dahil ako lamang ang nagmahal ng tunay

Babalikan mo rin ako

Dahil alam mo na nandito lang ako

Ang hindi ko lang alam

Kung nandito pa ako para sayo

-----

‘Till next.

xoxo

[A/N]

You can share with me your own stories of heartache and pain. I want to know how you fought and survive the misery of heart break. 

Shameless plugging again……

Calling Your Name Again Book 2: Love Calls You by Your Name will be posted next month. 

Getting Over You [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon