Pwede ba? Sabihin Mong Mahal Mo Rin Ako

166 8 0
                                    

Sina Jerome at Klaire ay mag kababata, halos sabay na silang lumaki. Pareho silang may nararamdaman sa isa't-isa, pero hindi nila masabi-sabi dahil takot sila sa mangyayari. Simula nung bata pa si Klaire, mahal na niya ang kanyang matalik na kaibigang si Jerome, pero natatakot siyang sabihin sa kanya dahil baka mwala ang pagkakaibigan nila.

Si Jerome naman, mahal din niya si Klaire, kaya lang tulad ni Klaire natatakot din itong umamin. Kaya para mawala ang pagmamahal niya kay Klaire, ibinaling niya ang kanyang atensyon kay Sarah. Ngunit hindi ito sapat upang mawala ang nararamdaman niya kay Klaire, mas lalo pa niyang minahal ito.

"Uy Jerome, pwede ba tayong mag-usap? May importanteng sasabihin lang ako." Sabi ni Klaire na kinakabahan.

"Sige, punta nalang tayo sa garden." Sagot ni Jerome

Pumunta sina Klaire at Jerome sa garden ng kanilang eskwelahan. Ipagtatapat niya na kay Jerome ang kanyang matagal ng nararamdaman, dahil naisip ni Klaire na habang tumatagal mas tumitindi ang kanyang pagmamahal para kay Jerome.

"Ano bang sasabihin mo Klaire?"

"Alam mo naman diba simula bata palang tayo, magkaibigan na tayo? Habang tumatagal nga parang magkapatid na ang turingan natin, kaya nga higit pa sa kaibigan ang nararamdaman ko sayo eh."

"Oo nga eh. Parang kailang lang, ang liliit pa natin, ngayon mas matangkad na ako kay sa sayo." Natatawang sabi ni Jerome

Tulad ni Klaire, kinakabahan din si Jerome habang magkasama at magkausap sila. Hindi mawala sa isip ni Jerome ang sinabi ni Klaire na higit pa sa kaibigan ang nararamdaman nito.

"Alam mo kasi Jerome, matagal ko nang gustong sabihin ito sa'yo kaso natatakot ako." Panimula ni Klaire at tumigil siya ng ilang segundo "Jerome, ......... mah-"

Hindi na naituloy ni Klaire ang kanyang sasabihin dahi nag-ring na ang bell, hudyat na magsisimula na ang klase.

"Ano yung sasabihin mo Klaire?"

"Ahh, wala-wala. Sabi ko, punta na tayo sa classroom baka magsisimula na ang klase."

"Sige, tara."

Sabay silang pumunta sa kanilang klase. Magkasama din silang kumain ng lunch sa cafeteria. Nagkwentuhan sila at nagkasiyahan. Kung titignan mo, para na silang magkasintahan. Habang sila ay nagkwekwentuhan, bihalng may lumapit sa kanila si Sarah.

"Hello, pwedeng makiupo? Wala na kasing bakante eh." Sarah, na nakatingin kay Jerome

"Sige, okay lang Sarah, wala na naman kaming ibang kasama ni Klaire." Jerome

"Salamat."

"Ah Klaire, si Sarah nga pala kaklase ko sa Biology. Sarah si Klaire, best friend ko."

"Hi Klaire, nice meeting you."

Tanging isang matamis na ngiti lang ang sinagot ni Klaire.

Umalis na si Klaire sa cafeteria nung narinig niyang magbell at hindi rin naman ito pinapansin ni Jerome dahil nakatuon ang kanyang atensyon kay Sarah na nagkukwento.

"Totoo bang kaibigan mo lang siya Jerome?" Pamimula ni Sarah. "Baka hindi, hindi pa nga kita sinsagot may babae ka na".

"Hindi, kaibigan ko lang talaga si Klaire. Huwag kang magisip ng kung ano-anu." Jerome

"Jerome, ilang buwan ka na bang nanliligaw sa akin?"

"5 months na. Ang tagal mo kasi akong sagutin."

"Oo na."

"Anong oo na?"

"Oo na, as in sinasagot na kita."

Pag-ibig Nga NamanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon