Pintig ng Puso
By risingservant
Bakit ganito ang aking nararamdaman?
Hindi ko maintindihan
Tila ako'y kinakabahan
Sa tuwing ikaw ay daraan sa aking harapan
Ako sayo'y nahihiya
Halos pulang-pula ang aking mukha
Marahil ako'y natutuwa
Sa iyong pagtalikda
Nang nginitian mo ako
Hinampas ko ang katabi ko
Sa akin siya'y bugbog sarado
Lalo pa't ako'y naghuhurumintado
Napakabilis ng tibok ng puso ko
Nagmamahal na nga ba ako?
Ngunit ayokong umasa sa isang katulad mo
Na mapaglaro sa damdamin ng mga babaeng katulad ko
Kung pwede lang sanang turuan ang puso
Malamang, walang nakanga-nga at nakanguso
Pero darating din naman sa ating yung tamang tao
Taong mamahalin tayo ng todo-todo, kahit sino pa tayo
BINABASA MO ANG
A WattMag Special Issue: Love is in the Air
Ficción GeneralA special edition for this month only 5 people work on the issue. 14 articles that you can love and enjoy. Credits to FakedReality for the cover. Love is in the air this month people so spread love.