Desisyong Pahirapan

291 15 4
                                    

Desisyong Pahirapan

By risingservant

Ang hirap isipin, ni damhin,

Siya nga ba sa aki'y may pagtingin?

O sadyang ako lang ang sa kaniya'y nahuhumaling?

Kaya atensyon ko, sa kaniya lagi nakabaling.

Hindi ko maintindihan, ako'y naguguluhan.

Siya lagi ang tumatakbo sa aking isipan,

Napapagod na ako sa kaniya'y makipaghabulan.

Dapat ko na nga ba siyang lubayan?

Ngunit mapaglaro ang tadhana,

Pagpaparamdam mo sa aki'y hindi alintana.

Gusto na kitang tigilan at lubayan,

Pero ikaw pa rin ang aking binabalik-balikan.

Bakit ngayon ka lang nagparamdam?

Tinutunaw na kita sa aking gunam-gunam.

Pilit na nilalayuan, at tinatakbuhan.

Pero ako pa rin ang higit na nahihirapan.

Napakamakapangyarihan talaga ng pag-ibig.

Ikaw lang ang aking bukambibig,

Nakakapagpatulo mula sa aking mata ng tubig,

At nakakapaglagay sa aking dibdib ng kuliglig.

Dapat nga ba akong maniwala?

Sa sinasambit ng iyong mabulaklak na dila?

Puso ko nga ba'y hindi mo susugatan?

Ikahihiya maski na sa kahuli-hulihan?

Tao rin ako na nasasaktan,

Kaya tigilan mo na lang ako kung ako'y pahihirapan.

Alam kong mahihirapan ako na ika'y kalimutan,

Pero iyon lang ang paraan, para paghuhurumintado ko sayo'y maiwasan.

A WattMag Special Issue: Love is in the AirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon