Speechless Heart

140 14 5
                                    

Speechless Heart

By risingservant

Unang kita ko palang sayo, tinamaan na kaagad ako. Tibok ng puso ko'y bumilis, nang landas nati'y maglihis.

Hindi ako makapaniwala, ang amo ng iyong mukha. Makinis ang iyong kutis, kahit na medyo nangangamatis.

Tayo'y nagkatitigan, umupo ka pa sa aking harapan. Pagkatapos, ako'y nginitian, kaya pakiramdam ko tuloy, narating ko na ang kalangitan.

Binati mo ako, hanggang sa maging close tayo. Sa pagkain, ika'y kasama ko. At sa wakas, nakuha ko rin ang loob mo.

Tuwang-tuwa ako dahil tinuring mo akong kaibigan. Sapat na nga sa akin, na ika'y masilayan. Inspirasyon kita, kaya pag-aaral ay aking pinagbubutihan. Mabatid mo sana, ako sayo'y may nararamdaman.

Nasasaktan ako, sa tuwing ikinukwento mo ang crush mo. Pakiramdam ko, wala na talaga akong pag-asa sayo. Nais ko na lang tanggapin na talo ako, dahil kaibigan lang pala talaga role ko sa buhay mo.

Hindi kita masisisi, kasalanan ko naman talaga ito kasi. Kaya nararamdaman ko sayo'y dapat ng isantabi. Para sa huli, hindi ako mamulubi.

Iniiwasan kita, kasi ayaw ko nang masaktan pa. Ikaw sa aki'y higit na nag-aalala, lalo pa't hindi mo na ako nakakasama.

"Bakit ka ba ganiyan? Ako'y iyong pinahihirapan. Nang ako'y iyong layuan, nawala na rin ang aking kaligayahan." Pahayag niya noong magkaharap kami.

"Alam mo kasi, masakit! Sa buhay ko, ika'y pasakit. Ayaw matanggal ng tinik, lalo pa't nararamdaman ko sayo'y pagkasabik." Turan ko.

"Hindi ko kayang limutin kita. Masdan mong lumuluha ang aking mga mata. Pilitin ko man, ako'y nasasaktan. Ang katotohanan, ay mahal kita ngunit ito'y hindi mo masusuklian kailan man." Dugtong ko pa.

"Pasensiya na kung ako sayo'y nagpakatanga. Ayan, nasabi ko na, kaya lalayuan na kita." Pahabol ko sabay lakad palayo sa kinaroroonan niya.

Sa huli, ako pa rin ang luhaan at talunan. Puso niya'y naumid, hindi ko alam kung ano ang nais niyang ipabatid. Masaya na ako dahil nasabi ko na sa kaniya ang totoong nararamdam ko, atleast ako'y nagpakatotoo.

A WattMag Special Issue: Love is in the AirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon