Litrato
By risingservant
Sa pagsilay ko sa iyong litrato
Puso ko'y nabihag mo
Isip ko ngayo'y gulong-gulo
Sa aking napagtanto
Tila hindi makapaniwala
Puso ko'y tuwang-tuwa
Ngunit hindi ako naniniwala
Sapagkat alam kong wala akong mapapala
Sadya ngang ika'y kaakit-akit
Kahit sino ay maaaring mabingwit
Puso ko'y isa lang ang ina-awit
Ikaw saki'y walang malasakit
Sino nga ba naman ako
Para mahalin ng isang tulad mo
Ayokong umasa na ako'y magugustuhan mo
Sapat na, na pagmasdan ko ang iyong litrato
Huwag hayaang ika'y maging sawi
Bagkus, ika'y bumawi
Pagod ay mapapawi
Kapag tamang tao ang pinili
BINABASA MO ANG
A WattMag Special Issue: Love is in the Air
General FictionA special edition for this month only 5 people work on the issue. 14 articles that you can love and enjoy. Credits to FakedReality for the cover. Love is in the air this month people so spread love.