Loving Fictional Character

138 14 5
                                    

Loving Fictional Character

By: YourWattyRebel 

Ano nga ba ang Fictional Character?  Ayun sa dictionary a Fictional Character is an imaginary person represented in a work of fiction such as play, novels, movie, film or stories.  Ibig sabihin ang Fictional character ay kathang isip lang ng mga lumikha sa mga ito. Ito ay nasa utak lamang ng mga manunulat ng istorya.

Kung hindi naman pala sila totoo bakit madaming patay na patay sa kanila? Hmm. Siguro dahil cool sila? Pero meron din namang cool na tao sa totoong buhay. Hmm siguro dahil gwapo sila? Madami din namang gwapo sa mundo. Baka naman dahil matalino sila, eh di hamak naman na mas madaming nerd sa totoong buhay. Ah alam ko na baka kasi mga athlete sila pero naisip ko madami din namang athlete. Baka dahil boyfriend/girlfriend material sila, pero madami namang dyan na boyfriend and girlfriend material eh kung maghahanap lang tayo makikita natin sila. Pero Bakit nga kaya?

Karamihan sa mga manunulat ginagawa nilang perfect yung mga characters nila alam niyo un kungbaga sa perfect parang wala ng nilalang sa mundong ibabaw ang makakapantay sa kanila. May mga writer kasi na gusto nila mahalin ng tao ung sinusulat nila. Nagtagumpay naman sila eh kasi ngayon madami ng babae ang patay na patay sa mga fictional characters. Kasi ginawa ng mga writer ang mga ito as someone perfect na sa sobrang perfect nila minsan nagiging unrealistic na.

In love sila sa mga fictional character kasi masasabi nilang nasakanila na ang lahat, walang tao ang makakapantay sakanila. Sa story cool sila, mayaman, gwapo, athlete, matalino at higit sa lahat sweet. Mga lalaking siguradong mamahalin ng madaming babae. Sa mundong yun kasi alam nilang hindi sila sasaktan ng mga fictional character kasi nga perfekto ang mga ito pero naisip niyo ba na lahat ng tao hindi perfect at lahat ng tao nagkakamali. Alam niyo ba na halos lahat na ng mambabasa ay naiinlove sa at least isang fictional character?

Masaya ang matuwa sa mga fictional character pero minsan masakit din kasi alam niyo tumataas ung standards natin sa mga totoong tao. Gusto natin mapantayan nila ung expectations natin na ang makakapantay lang ay ang mga fictional characters.

Masaya pero at the same time masakit kasi alam nating kahit anong mangyari hindi natin makikilala ang mga fictional characters na ito. Alam natin na bandang huli tayo lang din ang masasaktan. Bakit kaya nagaaksaya pa tayo ng oras para sa mga taong ito? Kasi nainlove na tayo sakanila kasi ginawa silang perpekto ginawa silang kakaiba. Kaya ngayon nahihirapan tayo kalimutan sila at nahihirapan tayong maghanap ng taong mamahalin natin kasi alam nating walang hihigit saknila. Pero isa lang ang masasabi ko girls, we can’t spend our entire life dreaming for this fictional characters to come true, hoping that one day you’ll meet them kasi hinding hindi mangyayari kaya gising gising din. Madami kang namimiss sa mga oras na nagdadaydream ka sa taong hindi naman totoo. Malay mo andyan lang sa likod ung taong mamahalin mo sa panghabang buhay kaya kung ako sayo lumingon ka na. 

A WattMag Special Issue: Love is in the AirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon