Chapter 2

295 7 0
                                    

Chapter 2

Tahimik kong binuksan ang bahay namin gamit ang susi. Alangan namang daliri ko lang diba?

Napabuntong-hininga ako at binuksan na rin ang ilaw. Ako lang mag-isa ang nakatira dito.

My parents have their life now, separately. And I have to live and get use to it. They both supported me through sending money, pero may oras lang talaga na hindi ako makontento doon.

Hindi ko ugaling magtanim ng galit sa kanila. Hindi ko naman pwedeng anihin yun.

Hindi nila planong magka-anak noong magkasintahan sila ngunit aksidenteng nabuo ako. Thankful pa din naman ako sa kanila kahit ganito ang nangyare, kasi binigyan nila ako ng buhay. Kahit papaano, masaya naman ako sa buhay kong ito, kahit mag-isa lang ako sa buong buhay ko. Mayroon pa naman akong kaibigan na tinuturing akong pamilya.

Pero hindi ko maipagkakailang naiinggit din ako sa mga kapatid ko.

Kapag may PTA meeting walang a-attend sa akin kaya yung parents nalang minsan nila Cammi at Briana. Kapag family day naman. Wala. Palagi lang akong nasa bahay nagbabasa ng libro o di kaya ay nagsusulat ng kung ano-ano.

Kaya kapag ako nag kapamilya, ayokong magaya ang anak ko sa mga naranasan ko.

I want my kids to experience how to live in a household na walang iniindang hirap. Yung tipong pro-problemahin nalang nila yung formula sa Math, kung paano magkaroon ng totoong kaibigan, kung anong kukunin nila sa Senior High, at kung anong gustong kurso nila sa College.

A supportive parents but not to the point that I'll spoiled them. I want that easy life for them. Mga bagay na hindi ko naranasan.

Habang nagbibihis ako ay may biglang kumatok kaya mas binilisan ko ang pagbibihis para mabuksan ko ang pintoan.

"Magandang gabi po, Nanay!" masigla kong bati at nilakihan ko ang siwang ng pinto para makapasok siya. May dala na naman siyang ulam at kanin. Matalik siyang kaibigan ng Lola ko na siyang nagpalaki sa akin dito sa bahay.

"Kakarating mo lang ba?" tanong niya sa akin at umupo sa plastik na silya. Wala namang masyadong gamit dito sa bahay. Ako lang naman ang nakatira dito.

"Opo... thank you nga po pala nag-abala kapa." masayang sabi ko at kinuha ang dala niyang pagkain sa akin.

Nilapag ko ito sa lamesang gawa sa kahoy na andito sa kusina. Alam siguro ni Nanay na cup noodles na naman at biscuits ang magiging hapunan ko lalo na't tinatamad akong magluto at magsaing.

"Oh, siya, hindi na ako magtatagal. Kumain ka ng marami Shamara Josefina." ngumuso ako dahil binanggit na naman niya ang buo kong pangalan.

Wala naman akong problema don. Corny nga lang. Mahaba pa.

Matapos kong kumain ay naligo muna ako dahil nanlalagkit ako. Wala sa sarili akong napangite dahil sa nangyare kanina.

Natahimik siya sa sinabi ko. Ngumite lamang ako sa kanya para ipakitang okay lang. Hindi kami magkakilala, hindi ko lang alam kung bakit siya sumama sa akin o baka na bored lang siya sa buhay niya at walang magawa.

There's an awkward silent between us. Even though we are both looking in the sky as the darkness surround as already.

"Dilim na. Uwi na tayo?" aya ko sa kanya at kinuha na ang bag ko na iniwan ko kanina sa pinag-upuan naming dalawa.

Bruised In SilenceWhere stories live. Discover now