Chapter 6

198 6 0
                                    

Chapter 6

"Kunware wala akong nakita!" tukso ni Ella sa akin pagkapasok ko sa bahay.

Umikot ang mata ko dahil alam kung hindi niya ako titigilan.

Nandoon na sa kwarto si Arian pinagpahinga ko at ahil sitting pretty ang kaibigan ko ako na ang naghugas ng pingan. Okay lang naman since siya yung nagsaing kanina.

"Wala ka bang balak sabihin sa kanila ang nangyayare sayo?" seryoso kong tanong ng matapos ako.

Nakita kong natigilan siya at mula sa TV ay napunta sa akin ang tingin niya.

"Ayoko muna. Bahala na si batman." naiiling na sabi niya kaya tumawa ako lumapit sa kanya. Niyakap niya ako ng patagilid at hinayaan ko lang siya.

Maya-maya ay narinig ko ang mumunti niyang hikbi kaya napanguso ako.

Sabi nila, na yung umiiyak, mahina. Pero sila talaga yung matapang kasi kaya nilang ilabas yung sakit samantalang yung nagtatago... sila yung mga duwag!

Parang ako.

"Wag kana kayang umuwi? Dito ka nalang." mahinang sabi ko dahil hindi ko nakayanan ang lungkot na nakapalibot sa amin.

"Hindi pwede. Alam mo yan." napabuntong hininga nalang ako at niyakap nalang siya. Kahit hind ako sang-ayon ay wala akong magawa. Ayoko ng bumalik siya sa impyernong bahay na iyon, wala naman akong magagawa dahil nagtitiis siya.

Gusto kong makialam at magsumbong pero si Ella mismo ang ayaw.

Sinabihan ko na kumain siya ng kung anong gusto niya dahil kakausapin ko pa kapatid ko sa taas.

Tahimik akong pumasok sa kwarto at nakitang nakatulala siyang nakatingin sa kawalan.

Tumikhim ako para kuhanin ang atensyon niya. Hindi naman ako nabigo dahil agad siyang napatingin sa akin at umupo ng tuwid.

Kinuha ko ang upuan na andito sa kwarto at umupo sa tapat niya. Tiningnan ko siya at halatang kagagaling lang niya sa pag iyak. Bumuntong hininga ako at dapat pala na pagpahingain ko muna siya bago kausapin.

Tumayo ulit ako at kinuha ang bag niya. Binuksan ko ito at inilabas ang iilang damit na dala niya. Napabuntong hininga ako dahil wala akong makitang kahit anong pambahay.

"A-Ate... S-sorry..." narinig kong sabi niya kaya napatigil ako sa pag-aayos ng gamit at hinarap siya.

"Bukas nalang tayo mag-usap. Kailangan mong magpahinga." pilit kong pinalumanay ang boses ko at tipid siyang nginitian.

Kinuha ko ang natupi na niyang damit at pumasok sa closet para doon ilagay.

Wala naman akong gaanong damit dahil kapag feel ko na madami na ang nasa cabinet ay pinapamigay ko sa mga batang nasa plaza. Hindi din naman ako materialistic na babae dahil iilan lang ang damit kong galing sa kilalang brand. Mostly galing UK. UKAY-UKAY.

Kinuha ko ang hindi ko pa nagagamit na damit, bagong tuwalya, at ang hindi pa nagagamit na mga underwear.

Napabuntong hininga ako ng makita ko siyang umiiyak. Dali-dali niyang pinunasan ang luha niya pero huli na ang lahat. Inilahad ko sa kanya ang damit.

"Magbihis ka at magpahinga. Hindi pwede sayo ang mapagod."

"A-Ate... g-gusto ko pang mag-aral." napatigil ako dahil sa sinabi niya.

Pabalang akong umupo sa higaan ko at tiningnan siya ng walang emosyon.

"Pumasok ba sa isipan mo yan nong bumukaka ka, Arian?" matigas ngunit mababa kong sabi sa kanya.

Bruised In SilenceWhere stories live. Discover now