Chapter 4

217 5 0
                                    

Chapter 4

Habang nagsusulat ako sa laptop ay biglang nag ring ang cellphone ko. Kunot-noo ko itong binalingan dahil nawawala ako sa momentum ng pagsusulat. Pinatay ko ang music at nagulat ng makita kung sino ang tumatawag.

"Ma?" takang sagot ko sa tawag. Binuhay ko ulit ang ilaw at tumayo.

"Mara, I already deposited the money in your account. Don't contact me anymore. We're going to Singapore." napakurap-kurap ako at huminga ng malalim.

Tumawa ako sa kabila ng pagbigat ng dibdib ko.

"Okay, Ma. Thank you po." masigla kong sabi. Kinagat ko ang labi ko ng mawala na ang tawag sa kabilang linya.

Mahigpit ang pagkakapit ko sa cellphone ko habang tiningnan ang account ko sa bangko.

Twenty thousand pesos. Huminga ako ng malalim dahil simula noong nagkaroon ng trabaho hindi ko na ginagastos ang perang pinapadala nila sa akin.

Binaba ko na ang cellphone dahil nawalan ako ng gana. Humiga ako sa kama at katulad ng dati ay hindi ako dinadalaw ng antok ngunit pinatili kong nakapikit ang mga mata.

Ayaw ko namang araw-arawin ang pag-inom ng sleeping pills dahil baka masanay ang katawan ko.

I decided to went downstairs to get something to drink

Umupo ako sa sahig katabi nang kama ko at nagsimula ng uminom.

I played some random slow song so I can let my emotions out.

"Neverland is home to lost boys like me
and lost boys like me are free..." pakikisabay ko sa kanta.

Napapangite ako habang naalala ang nangyare kanina sa parking lot. Tahimik niya akong hinatid dito sa bahay gamit ang mamahalin niyang sasakyan.

Nagulat ako ng may nag pop up na message sa cellphone ko. Kunot noo kong tiningnan ito ng makitang ang babaeng kapatid ko pala ito kay Papa.

'Ate...'

Para naman akong kinabahan sa text na iyon kaya imbes na mag text din pabalik ay tinawagan ko siya.

Apat na taon ang tanda ko sa kanya, minsan lang din kasi itong mag text sa akin.

Kaya naniniwala na ako sa isang himala!

"Bakit?" agad kong tanong ng masagot niya ang tawag ko. Tumayo ako at lumabas sa teresa ng kwarto ko kung saan kita ang iilang kabahayan. Parang may kung anong bumundol na kaba sa dibdib ko ng hindi pa rin siya nagsalita.

"Punyeta ka! Wag mo akong pakabahin Arian!" malutong kung mura ngunit natigil ako dahil ang hikbi na niya ang naririnig ko

"Ate... " humihikbi niyang tawag sa akin kaya natigil ang pabalik-balik kong lakad.Pumikit ako ng mariin at hinintay ang susunod niyang sasabihin.

"P-pinalayas... ako n-nila... P-Papa..." nagulat ako sa sinabi niya.

Hindi pa maproseso ng utak ko ang mga binitawan niyang mga salita. Hangang unti-unti itong mag sink in sa akin. Napabalik ako ng upo sa upuan dito sa teresa at huminga ng malalim.

"B-bakit?" utal kong tanong.

"B-buntis... ako... A-ate..." napapikit ako ng mariin dahil sa balitang hatid niya. Ilang beses akong huminga at paunti-unting pinoproseso ang balitang iyon.

Napakabata pa... at mas lalong nag-aaral pa siya! Bakit hindi niya iniisip ang kinabukasan niya? Bakit... hindi niya naisip kung ano ang magiging bunga ng maagang pagbubuntis?

"A-asan ka ngayon?" pilit kong kinalma ang sarili ko kahit gustong-gusto kong sabunutan ang babaeng to!

"S-sa... kaibigan ko, Ate..." paulit-ulit kong pinag-iisipan ang magiging desisyon ko ngunit hindi ko naman pwedeng pabayaan to kahit ako ang malalagot kay Papa.

Bruised In SilenceWhere stories live. Discover now