Chapter 10

187 4 0
                                    

trigger warning: self harm, rape

Chapter 10

Tahimik lang akong nakasandal sa dibdib niya ng ilang oras. Hanggang napagpasyahan nami na umuwi nalang.

Nag text narin naman si Ella sa akin na nandoon na raw siya sa bahay, ilang minuto lang pagkaalis namin.

"Let's go?" aya ko kaya tumango siya bago ako hinalikan sa noo.

Is everything too fast? Tinali ko ulit ang buhok ko habang nakasandal ako sa upuan at nakatingin sa nadadaanan namin.

He was holding my other hand while driving. I bit my lower lip to suppress a smile. Isn't it my dream date? Magkaholding hands habang nag da-drive?

"Andoon na ba si Ella?" he asked habang nag stop kami sa may stop light ng kalsada. Nilingon ko siya bago tumango.

"She texted me. Andon na daw siya." sagot ko habang namayani ang mahinang musika sa amin.

Ngumite ako sa kanya dahilan ng pagngite din niya pabalik sa akin.

"Let's buy them food?"

"Hilig ka talagang manlibre ng pagkain no?" I teased at tumawa ng mahina.

He just chuckled at niliko ang manobela sa Jollibee. Nag drive-thru lang kami pagkatapos ay dumiretso na sa bahay.

Kumunot ang noo ko ng makitang bukas pa ang iilang ilaw sa bahay at nakabukas pa din ang TV. Naririnig ko pa ang sound nito.

Lumabas ako ng kotse at ganon din si Esher. His holding the food we brought habang nanatili parin nagtataka ang ekspreyon ko.

My house is too noisy for two person unless...

Binuksan ni Esher ang gate at naunang pumasok kaya nauna ako. Binuksan ko ang doorknob at mas lalong kumunot ang noo ko ng malamang hindi ito naka lock!

I push the door and it revealed my friends! Ang iba ay naka upo sa sofa at ang iba ay naka upo sa sahig. Kumakain.

"Sarap naman ng life niyo!" medyo malakas kong sigaw at nakita ko ang pag panic nila dahilan ng pagtawa ng ko ng mahina.

Sumandal ako sa pintoan at pinaningkitan silang lahat ng mata ngunit ang mata nila ay nasa kasama ko na nakatayo sa doorway.

"Uy! Mara! Hehehe..." nakangiseng sabi ni Yna sa akin at nginuso ang katabi ko.

Umirap ako sa kanila at tuluyan na ngang pumasok sa bahay. Nilagay ni Esher ang dala namin sa lamesa at nanatiling nakatayo sa tabi ko.

Napatingin ako sa hagdanan ng n
nakitang bumaba din si Arian. Pinaningkitan ko siya ng mata dahil anong oras na at gising pa ang batang to!

"Hindi ba at pinaalalahan ka na ng Doctor na bawal sayo ang magpuyat, Arian?" sermon ko at pinanlakihan siya ng mata. Ngumuso siya sa akin pero ngumite kay Esher na tinanguan siya.

"Di kasi ako makatulog, Ate, eh," sabi niya sabay ngite ngunit hindi ito umabot sa kanyang mata.

Umayos ako ng tayo at pinasadahan siya ng tingin ngunit nag-iwas siya at mas tiningnan ang dala namin. "Anong dala niyo, Kuya?" huminga ako ng malalim hinayaan siya.

Parang may bumigat sa dibdib ko habang naalala ko ang kalagayan niya.

Hinarap ko ang mga kaibigan kong tahimik sa isang tabi. Nakapatay na ang TV at para silang mga batang pinapagalitan ng magulang.

"Nakapag hapunan na ba kayo?" tanong ko sa kanila at nakita ko ang pag-iling nila kaya mas lalong sumingkit ang mata ko.

"Hindi. Hinihintay ka namin eh." napabuntong hininga ako sa rason ni Rian. Nagkatinginan kami ni Esher at kita ko ang aliw sa mata niya.

Bruised In SilenceWhere stories live. Discover now