Prologue

917 16 2
                                    

status: unedited
warning:  I wrote this way back 2021 (now 2024) and for some reason I just wrote this... with the flow of my emotions. I didn't tackled the deeper parts of the issue (spoiler) just the top of it. I don't think I could edit, add/cut some context because it deliberately remove the importance of the story.

So please do not expect too much, beware of some scenes that are not really appropriate and contains trigger warning. Thank you and God bless you.- plainlyanie

Prologue

"Puking... ang creepy na ng ex mong to ha!" nanlaki ang mata ko at binaba ang nilalaklak kong ice coffee at tiningnan ang tinitingnan niya sa cellphone. Kinuha ko ito at gulat na tiningnan ang litrato kong cover na ngayon ng hinayupak kong ex!

"Hahaha... iba talaga kamandag mo eh no? Di maka get over!" mala demonyong sabi ni Yna at mas lalong humalakhak ng nakita ang mukha ko. Napahawak ako sa noo ko dahil pinoproblema ko kong paano ko ipapa take down ang picture na iyon! Marami ng nakakita non 10 likes na eh!

Buhay namon oh! Putek ang creepy! Pakiramdam ko nanayo yung balahibo ko hindi dahil sa nakakatakot yung itsura ko don sa picture kundi dahil sa ginawa ng lalaking to!

"My day ko lang naman to nong last December ah?!" sabi ko at inaalala kung kailan ko nga ba minay-day ang video kong yun. Tsk! Check ko nga archive ko mamaya.

Sana talaga kapag nag update ang Facebook dapat yung malalaman mo kung sino ang stalker mo, nag screenshot ng mga post at mga my day mo! Putek... hindi ko naman ginayuma ang lalaking yun ah?

"Kapag nawala ka at nalaman mong nasa basement ka... tanongin mo siya kung Mafia ba siya at eh se-se---" binatukan ko ng malakas ang kaibigan kong tumatawa lang at kung ano na ang ini-imagine.

May mga kaibigan talaga tayo no na imbes tulungan ka tinatawanan kapa. Ang real friends talaga nila!

Oo nga naman... natatakot na akong umuwi ng mag-isa sa madilim at nakakatakot na daan! Baka mamaya may kikidnap sa akin at mangyare ang sinasabi sa akin ng babaeng to na adik sa anime!

"Wag kang mag-alala... ipapatawag ko ang Tae Squad! Magpapatulong akong maghukay tapos ako papatay... charot!" natawa ako dahil sa karumal-dumal na pag-iisip ni Yna. Kami lang ang nagkaroon ng oras para magkita. Subrang busy kasi ng iba.

Nagkwentuhan pa kami tungkol sa maraming bagay hangang napag pasyahan naming umuwi na. Kanya kanya naming tinahak ang matuwid na daan-- wait. Hindi na pala matuwid dahil si Duterte ang nanalo... HAHAHA... bentang-benta talaga yung joke ko kahit kailan!

Tumawid lang ako sa daan dahil kaharap lang naman ng Barako, ang coffee shop na tinambayan namin kanina ang daanan ng jeep.

Napatingin ako sa kaliwa ko ng may biglang tumabi sa aking lalaking naka black hoodie. Agad akong lumayo sa kanya ng isang metro dahil baka holdapin ako nito wala pa naman akong pera! Tag hirap ako right now! Pero in fairness mabango siya ha! Hindi ko alam kung Johnson Baby Cologne ba o Bench.. yan lang naman yung alam kung cologne since hindi ako maalam diyan.

Pakiramdam ko hindi ako makakasakay agad dahil siksikan sa jeep dahil merong pasok ngayon.

Hindi kasi ako tinuruan ng mama ko na makipagsiksikan sa mga bagay na hindi para sa akin.

Bruised In SilenceWhere stories live. Discover now