Chapter 3

231 6 0
                                    

Chapter 3

I bit the side of my cheek to prevent myself from smiling. Hindi ko alam kung ulcer ba itong lumilipad sa tiyan ko o ang tinatawag nilang butterflies flying in my stomach.

Tangina! Hindi ko inasahan ang mga ganong da-moves nang aso ko ah.

Letche! I am grinning from ear to ear while following him.

"Uy, Brad, sama ka sa akin?" tanong ko sa likod niya habang naglalakad kami sa may mga nagtatayugang puno dito sa Plaza.

Hindi naman siya gaanong madilim dahil sa iilang poste sa paligid at sa dumadaan ding sasakyan.

"Where are we going?" he asked ng masabayan ko na ang paglalakad niya.

Tumawid kami sa pedestrian at huminto sa may Bongbongs.

"Mag go-grocery ako! Wala na akong pagkain... ma de-deds ang future wife mo." barumbado kong sabi ngunit nagulat nalang ako ng bigla niya akong hinigit habang naglalakad ulit kami papunta sa SM.

"Uy! Di keri ng budget ko ang SM!" sigaw ko dahil sumasakit na din ang paa ko. Kanina pa ako naglalakad sa school ko.

Diko na keri! I'm so tired! I'm dead! I'm zombie!

Sa may South Wing kami ng SM dumaan kasi nandoon ang Supermarket. Hindi ko alam kung bakit nakatanggap kami ng iilang tingin sa mga tao.

Hindi naman kami alien.

"Uy! Ikaw ba mag go-grocery?" angil ko ng makitang kumuha na siya ng cart.

Napahawak nalang ako sa noo ko habang tinitingnan ang mga presyo. Kamusta nalang kaya yung wallet ko nito pagkatapos? Magiging kalbo na yun for sure!

"Tss. You talk too much. Lagyan kaya natin ng tape yang bibig mo." ngumuso lang ako at ginaya ang sinabi niya bago ako naunang malakad sa kanya.

Huminto ako sa may mga napkin na section kaya ngumise ako at sinenyasan siyang sumunod sa akin.

Kumuha ako ng dalawang pack ng Modess yung blue na cotton kasi kumakati ang akin kapag yung hindi cotton and gagamitin ko.

Kumuha na din ako ng tissue, panty liner, at wipes.

May nakakaloko paring ngise sa labi ko lalo na ng nakita kong na a-awkward na siya.

Mas lalong lumapad ang ngise ko ng may mamataan akong isang babaeng ka edad lang ata namin naka tingin sa kanya.

"Love, E-EQ nalang kaya natin si baby? Nag kakaroon na kasi siya ng rashes sa brand na gamit natin ngayon eh." malambing pero medyo malakas kong sabi at nakita ko kung paano umiba ang itsura ng babae dahil sa sinabi ko.

Nakangiseng sumulyap ako kay Esher na wierd akong tiningnan bago gumuhit ang isang malokong ngite sa labi niya.

"Babe, bakit kapa bibili ng napkin kung mabubuntis din naman kita?" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Nag walk out nalang yung babae kaya humagalpak ako ng tawa kahit gulat parin ako.

Gagong to! Sinakyan pa talaga ang kalokohan ko!

Sunod lang siya ng sunod sa akin. Parang asong sinusunod ang master niya. Hahaha.

Ang gwapong aso naman nito kung sakali. Di bale, ibebenta ko ng isang bilyon! Yayaman ako non!

Kumuha ako ng mga detergent soap, shampoo, at body soap. Ngumuso lang ako habang kinukwenta nasa utak ko kung magkano na.

Baka tagaktak one thousand to! Naku! Buti nalang nakuha ko kanina ang sweldo ko.

Tsk. Nevermind, isang buwan ko lang naman tong stock. Minsan lang naman ako kumakain dahil tinapay at kape, okay na ako!

Bruised In SilenceWhere stories live. Discover now