Chapter 12

175 4 0
                                    

Chapter 12

Tahimik kong tinatanaw ang pagpatak ng ulan habang yakap-yakap ang sarili. Hindi iniinda ang lamig na dulot ng hangin.

Huminga ako ng malalim at pilit na iniisip ang mga desisyong haharapin ko.

Magpapatuloy pa ba ako sa buhay na ito gayong... halos masira na ako. Handa pa ba akong sumugal sa walang kasiguradohan at muling matalo?

Ginulo ko ang buhok at gusto ko nang sabunutan ang sarili. Ayaw ko nga lang dahil baka magmukhang baliw na nga ako dito.

Alam kong kahit hindi sabihin ni Arian, mayroong ginawa ang lalaking iyon sa kanya. Hindi siya magkakaganun... kung wala.

I smiled bitterly dahil yung kadugo mo pa ang gagawa non sayo.

Ang pamilya ay dapat nagkakaisa. Hindi nagsisiraan at hindi nagsasakitan.

Yung mga taong wala naman naiambag sa buhay mo ang may gana pang sirain ang buhay mo. Sila pa yung may lakas at tibay ng loob para gawing miserable ang pagkatao mo.

Ganoon ang reyalidad. Gaano man kayo ka lapit. Pamilya man o hindi. Kapag gustuhin nilang saktan at baboyin ka. Wala kang magagawa kundi umiyak at indahin ang kawalanghiyaan nila.

T*ngina! Bakit hindi nalang nila eh endorse ang Bear Brand? Tibay ng amats ang ampt!

"Hey, let's eat." tawag ni Esher galing sa kusina.

Nilingon ko siya at binigyan ng isang malaking ngite. He smiled back bago naglahad ng kamay sa akin kaya naglakad ako at tinanggap ang kamay niya.

"Si Arian?" I asked, but my question got answered when I saw my sister sitting and a smile is plastered on her lips.

Nagkaroon narin ng baby bump ang tiyan niya na medyo halata sa suot niyang dress.

"Ate," nakangiteng tawag niya sa akin kaya ngumite ako sa kanya "I helped, Kuya, cook bacon and nuggets." dagdag niya kaya lumingon ako kay Esher na nagkibit balikat lang at pinaghugot ako ng upuan.

"She insisted." sabi ni Esher sa akin ng makita ang mata kong naningkit sa kanya.

Umirap lang ako ng magsimula na kaming kumain.

"Duh, Ate. Help nga diba? Sa tagalog tulong." sarkastikong sabi ni Arian habang kumagat ako nuggets.

Tiningnan ko siya ng masama pero binigyan niya ako ng isang ngise.

Lokong bata to!

"Sipain ko kaya puson mo?" hamon ko sa kanya pero inirapan niya lang ako

"Segi. Try mo nga. Papakasuha kita." ngumise ako sa kanya at sumandal sa upuan.

Nakikinig lamang si Esher sa amin habang kumakain. Ngumunguya ako at nagtaas ng kilay sa kanya.

"Anong kaso?"

"Article 257 of the Revised Penal Code prescribe the prison correctional for accidental abortion. So you can be imprison for as long as six years," nakangiseng sabi niya "And I'll kill you." ako naman ang ngumise dahil sa sinabi niya.

"That's a murderous thinking and you're giving me threats through your words, my dear. I can sue you for that." mataray kong sabi at uminom ng juice.

"Wag ako, Arian. Kinuha mo lang naman yan sa Bar Boys. Sa recitation na part kung saan tinanong ng teacher if a person can be imprisoned for an accidental abortion." pakikipagtalo ko sa kanya dahil napanood ko naman ang Movie na iyon.

Actually as I watch that movie, mas lalong lumakas yung kagustuhan kong maging Lawyer.

I want to be a Lawyer! Final na!

Bruised In SilenceWhere stories live. Discover now