Chapter 5

235 5 0
                                    

Chapter 5

Hindi ko alam kung paano ako nakatulog sa tabi niya. Nagising nalang ako dahil sa tunog ng alarm. Napabaling ako sa tabi ko at nakitang wala na siya.

Napapahikab akong bumangon at inayos muna ang higaan.

Dumiretso ako sa kwarto ko kung saan mahimbing na natutulog si Ella. Napangite ako dahil subrang peaceful niyang tingnan kahit kitang kita parin ang mga pasa sa mukha niya.

Naghilamos at nag bihis lang ako ng isang jogging pants at halter top.

I walk downstairs at nakita ko si Esher na tahimik na umiinom ng tubig. Nahihiya akong ngumite sa kanya.

"Good morning! Bat di mo ako ginising?" bati ko at uminom din ng tubig kagaya niya.

I looked at my phone nang mag ring ito.

"Let's go." aya niya kaya tumango ako at sumunod sa kanya.

Naglagay lang ako ng sticky note sa ref as I answered Arian's call.

"A-ate... Andito na ako." mahina niyang sabi ng sagutin ko na ang tawag.

Huminga ako ng malalim dahil andito parin yung bigat sa dibdib ko dahil sa ginawa niya.

"Eat something while I'm still on the way. Okay?" mahina kong sabi bago pinatay ang tawag.

Hindi kami subrang close kaya nakapagtataka kung bakit ako ang tinawagan niya.

Maybe wala na siyang choice.

Papa and his wife are so dissapointed na siyang dahilan ng pagpapalayas nila kay Arian. Kung sakin siguro nangyare yun hindi lang disappointed at pagpapalayas ang mangyayare. They will disown me!

"I can hear what you're already thinking." napatingin ako kay Esher na seryosong nakatingin sa daanan na para bang may ginawa itong kasalanan sa kanya. Ngumuso ako.

Nasabi ko ba ng malakas o sadyang ramdam niya lang ang nararamdaman ko.

Magulo ang buhok at bago na ang suot niyang damit. Kaya nagtaka ako. Siguro kinuha niya ito sa sasakyan niya. Dito kami dumaan sa may Lopues East at tumigil sandali sa Mcdo para bumili ng pagkain.

Diko alam kung anong in-order niya hindi pa naman ako nakapag breakfast sa mga ganito. Pang sosyal lang to!

Habang kumakain ako ng biglang nag ring ulit ang phone ko. Andami ko namang caller ngayon ha!

Kinuha ko ito at halos madura ko ang iniinom ko ng makitang ang Mama to ni Arian! Si Tita! Saan niya nakuha ang phone number ko? Di naman kami masyadong close! At bakit naka register dito yung number niya?

Kay Papa siguro niya nakuha to? Tapos na phone book ko din?

"H-Hello?" nakangiwe kong sagot.

"Shamara, are you with Arian right now?" napakagat ako ng labi ko dahil seryoso ang boses niya. Umayos ako ng upo at nakita ko ang pagsulyap ni Esher sa akin.

Kinakabahan ako pakshit malala!

"B-bakit po?" instead of answering her question. Tinanong ko pa siya!

Damn! SHAMARA! MAG AABOGADO KANA NIYAN? BUBU MO!

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya. I heard her walking and talking to someone na para bang pinapaalis niya ito.

"I know she will go to you. C-can you take care of her for a while. I'll send you some money." napakagat ako sa labi ko at napangite ng mapait.

Sana all talaga understanding!

Bruised In SilenceWhere stories live. Discover now